Pagbabago sa buhay - Youth/Kabataan Pt. 2 [Tagalog]

11 42
Avatar for Pluma
Written by
4 years ago

"Naiinis ka ba sa mga pagbabagong nangyayari sa iyong katawan?"

'May nakapagsabi na ba sayong,"Ang bilis mong tumangkad.Tuwang tuwa ka pero nararanasan mo ngayon at naiinis ka sa pananakit ng iyong katawan at binti.

Ito ay ang panahon ng iyong pagbibinata na kung saan nadedevelop na ang pagbabago ng iyong katawan.Kapag nagbibinata kana,malaki ang pagbabago ng iyong hitsura.Halimbawa,paglalangis sa iyong balat,na dahilan upang tigyawatin ka o pagkakaroon ng blackheads.Na alam mong pag sakali maalis ito ay maaaring mag-iwan ng peklat o marka sa iyong mukha.Nakakairita o nakakadismaya diba.

Mararanasan mo din ang paglakas ng iyong katawan ,paglaki ng mga braso at balikat,pagkakaroon ng buhok sa ibat ibang parte ng katawan.

Dahil hindi sabay-sabay ang paglaki ng mga bahagi ng katawan baka maasiwa kang kumilos,dahil hindi agad makasunod ang bisig at binti mo sa utak mo.

Ang paglaki ng boses na di makontrol,gaya ng pagpiyok na minsan ay nagdudulot ng kahihiyan kapag nakikipag usap.

At ang huli ay mapapansin mong may sangkap na sa iyong ari na senyales na isa ka nang ganap na lalaki at maari ng makabuo sakaling makipagtalik.

"Ang laki ng balakang mo."

Gaya ng kalalakihan ang babae sa panahon ng pagbabago sa kanyang katawan ay mararanasan din ang pagkakaroon ng buhok sa ibat ibang parte ng katawan,paglaki ng balakang at hita pati ng dibdib neto.

Ito na rin ang senyales na isa ka ng ganap na babae at handa na ang katawan mo para sa pagdadalang tao at maging ina.

Nagkakaroon na rin ng buwanang dalaw na minsan ay nagdudulot ng pagkabahala ng iilang kababaihan,na kung iisipin nila ay kada buwan nila itong mararanasan.At ito ay nakakainis para sa iilan.

Ngunit sabi ko nga,ito ay senyales na ikaw at ang katawan mo ay handa na sa pagbubuntis.

Di lang sa pisikal ang pagbabagong nararanasan sa pagbibinata at pagdadalaga pati na rin ang mga NADARAMA at EMOSYONAL na pagbabago.

Talakayin natin sa susunod....

(Proverbs 22:6)

"Train a child in the way appropriate for him,and when he becomes older,he will not turn from it."

Read.Like.Comment.

Subscribe@Pluma

4
$ 0.00
Sponsors of Pluma
empty
empty
empty
Avatar for Pluma
Written by
4 years ago

Comments

Yeah sometimes I being irritated in changes in our body but I accepted it when Its done . πŸ˜†πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Congratulations dearπŸ˜˜πŸ€—β€οΈπŸ’‹you deserve itπŸ˜˜πŸ€—β€οΈπŸ’‹

$ 0.00
4 years ago

Good article dearπŸ’•πŸ’•

$ 0.00
4 years ago

Nice post!

$ 0.00
4 years ago

thanks

$ 0.00
4 years ago

thank for commenting

$ 0.00
4 years ago