"Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay parang tumatawid sa alambre.Mga hakbang na walang katiyakan at minsan ay nagdudulot pa ng takot sa mga magulang.
Bilang magulang ay nasa atin ang pag-alalay at pag-gabay sa kanila na hindi mahulog sa anumang masamang karanasan o lumihis ng landas bagkus ay lumaking responsable sa kanilang paglaki at maging matagumpay sa buhay.
"Madali lang sabihin yan,mahirap gawin"sabi ng iba.Totoo naman, at parang kahapon lang ang iyong anak na lalaki ay isang napakasigla at napakakulit na bata, samantalang ngayon naman ay napakatahimik na at naasiwang makipag usap sayo.
Samantalang ang iyong anak na babae na buntot ng buntot at sunod ng sunod sayo noon,ay nahihiya nang makita kayong mga magulang na kasama siya ngayon.
Pero normal ito,at wag mong iisipin na hindi mo kayang harapin ang mga pagbabagong ito.Bagkus ay mas lalo nilang kelangan ang pag-gabay at pag unawa sa mga panahon ng kanilang KABATAAN.
(Ephesians 6:1-3)
"Children,obey your parents because you belong to the Lord,for this is the right thing to do.Honor your father and mother.This is the first commandment with a promise:If you honor your father and mother,things will go well for you,and you will have a long life on Earth."
Read.Like.Comment.
Subscribe@Pluma
Great one dear