"Ayon sa pahayag ng DOH kamakailan,mandatory na ang pagsusuot ng Face Sheild nang publiko na lalabas upang bumiyahe o maghanapbuhay,bukod sa mask na karaniwang suot sa ngayon.
Ito ay ipapatutupad sa oras na matapos na ang ideneklarang MECQ sa Pilipinas na nag simula noong Aug. 4 - Aug 19,na hiniling ng mga Frontliner upang bumaba ang kaso ng Covid19 at ng magkaroon din sila ng sapat na pahinga sa pagtutok dito.
Ayon sa kanila ay mas lalong ligtas at makakaiwas ang publiko sa pagkakaroon ng Covid19 Virus sa pamamagitan ng pagsusuot ng Face Sheild.
Halo ang opinyon ng karamihan,may pabor at may ayaw din naman dahil sa kaabalahan na dulot daw neto.
Iilan din ang nahuling nanamantala tungkol sa supply at demand ng Face Sheild sa Pilipinas at ito ay tinutukan na ng kinauukulan.
Kamakailan din ay naglabas din ng kautusan ang gobyerno tungkol sa Rider Barrier para sa mga angkas o sakay ng mga motorsiklo.
Ngunit sa kabila neto ay patuloy ang pagpapaalala ng gobyerno na sa ibayong pag iingat at kalinisan pa rin ng ating mga sarili ang mabisang pangontra sa Covid19.