Ang Munting Kasama.

2 15
Avatar for PinoyKatatakutan
2 years ago
Topics: Horror, Spooky

Madalas ako dumaan sa isang abandunadong bahay dito sa launion, di nasiya tinitirhan ng mga pamilya Perez ilang taon na ang nakakalipas.

Isa akong nurse kaya naman ay normal ang overtime lalo na kapag madami ang pasyente. Isang araw, alauna na ng madaling araw ang aking uwian. Dumaan ako sa isang abandunadong bahay ulit sa launion, nagtaka ako kung bakit bukas ang mga ilaw at tila may nagsasayawan. Nung una akin itong isinawalang bahala dahil sa hindi halata na mukha itong abandonado.

Nasaisip ko lamang na baka ito ay iniwan lamang ng may-ari dahil sa nasaibang bansa at nagbabakasyon.

Nang makadaan ako ay bigla nanlamig ang aking balikat, parang may kung anong sumampa rin dito na nagdulot ng sobrang ngalay. Akala ko ay napagod lamang ako sa trabaho dahil sa dami ng aking gawain kaya akin itong isinawalang bahala.

Pagdating ko sa bahay ay natulog na lamang ako upang makapagpahinga, at nang nagising naman ako ay agad ako naghanda dahil medyo late na rin.

"Uy ganda ng kasama ah", banggit ng nurse na nakasalubungan ko. Napatingin ako dito at nakita kong malapad ngiti nito na tila di siya nagbibiro, akala ko kung sinong sinabihan niya kaya hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy may kasama ka pala, paupuin mo muna", banggit naman ng isang nagbabantay sa loob ng Recovery Room. Agad naman akong nagtaka at napatingin sa kapaligiran, ng makita kong dalawa lang kami ay akin itong tinanong.

"Sino tinutukoy mo?", Takang tanong ko dito. Agad itong napatingin saakin na tila nagtatak at itinuro ang pintuan, "Kasa--", tila di niya naituloy ang kaniyang sasabihin. Agad na nanlaki ang mata niya sa gulat at umiling-iling nalang. Agad ko namang naalala yung isang kanurse ko na nakasabayan ko rin kanina, parehong-pareho sila ng tugon, kaya naman ay naisipan kong tanungin kapag nakasalubungan ko ito.

"Pre, sino yung tinutukoy mong kasama ko?", Tanong ko ng makita ko itong nagrarounds. "Yung babae ba? Diba kasama mo yun? Ngumiti pa nga sakin kanina tapos nakared dress siya na mukhang may style na dugo sa baba ng dress niya", proud pang sagot nito.

Agad akong natigilan at napatingin sakaniyang mata, "Pre, wala akong kasama...magisa lang akong pumasok".


6
$ 0.00
Avatar for PinoyKatatakutan
2 years ago
Topics: Horror, Spooky

Comments

May kasunod? Bitin. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Ay multo yun?

$ 0.00
2 years ago