Na budol na ba kayo? Well, karamihan sa atin ay nakaranas ng mabudol. I'm sure na makaka relate kayo sa mga pambubudol na nangyare sa buhay ko haha.
Budol, para sa akin ang salitang budol ay masakit sa damdamin. Marami ng kabudolan ang nangyare sa buhay ko, kagaya ng:
Nabudol ng kaibigan ko
Nabudol sa online shopping
Nabulong sa ride's
Nabudol sa Facebook at marami pang iba.
Pero halos sa lahat ng budol na nangyare sa akin, ito ang pinaka malupet at pinaka magandang budol na nangyare sa akin.
INTRODUCING.... INDAY JUDAY,
Sya si Inday, unang kita ko palang sa kanya inisip ko na may lahi sya. Kaya tuwang tuwa ako nung binigay sya ng kapitbahay sa akin, meron akong aso apat sila puros aspin. Simula pagkataba dog lover na talaga ako kahit ano pa yan basta aso haha. Yun nga akala ko may lahi sya excited pa ako mag alaga sa kanya kasi if ever man first time ko mag alaga ng may lahi na aso. Wala namang problema sa magulang ko na dumagdag pa ako ng isang alaga kasi supportado naman nila ako sa pag aalaga sa kanila, binibilhan pa nila ng dog food ang mga aso ko. Nakakapanghina nga lang ang presyo ng dog food hahaha.
Lagi kong kasama si Inday kit saan ako mag punta, tuwing gabi dinadala ko sya sa Park at sa sabado pag lumalabas kami papuntang dagat dinadala ko rin sya.
Makulit at napaka antukin ni inday, maraming nagsasabi na may lahi daw sya kasi ang ganda ganda daw nya.
Nung palaki na sya alam ko na parang iba... At uto na nga budol is real wala palang lahi si inday hahahahahahahaha. Natatawa nalang ako, pero kahit wala syang lahi di naman basehan yan ng pagmamahal ko sa kanya.
Kit nagbago ang echura nya, at na confirm ko na wala talaga syang lahi natatawa nalang ako hahahahaha, pero ayos lang di naman yun ang basehan ng pagmamahal ko sa kanya. Dinadala ko parin sya kit san ako mag punta, minsan pag pupunta ako palengke kasama ko sya karga karga ko sya, magkasama din kami pag bibili ako sa labas, magkasama kami pag bibili ng gatas at dogfood nya.
Yan na sya ngayon hahaha ang cute nya talaga! Mahilig yan makipag laro at matapang yan kit maliit, "small but terrible" nga ika nila, minsan ma sungit ayaw mag pa kiss haha.
Sa sofa sya lagi natutulog o dikaya tumatabi sa akin, laging tulog yang Inday na yaannn.
Labas pangil kit tulog,matapang parin yan kit tulog hahahaha.
Tulog yan binuhat ko lang para mag picture hahahaha.
Ang daming nangyare sa buhay ko, pero isa na sa mga pinakamagandang nangyare sa akin ay ang binigay sa akin si Inday.
Tandaan: Lagi nating mahalin ang mga aso
Kahit may lahi man ito o wala.
Ginawa ang tao para may mag alaga
sa mundo at tinoga ng Ginoo.
Tulog na naman si Inday sa ngayon,
Pa iba iba sya ng pwesto tas matutulog lang din ulit hahaha.