Laking gulat ng isang Barangay sa Lungsod ng Pasay nang nagsimulang umulan ng snow sa kanilang lugar. Ang tinuturong dahilan; nakabukas na pinto habang umaandar ang aircon.
.
May kasabihan ang matatanda, "Wag buksan ang pinto, lalabas ang aircon."
.
Ang lamig ay umabot sa -1 degree celicus, sapat na para magsnow sa buong Barangay. Makakapanayam po natin ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng kakaibang lamig na ito.
.
"Sir, ano pong nangyari at bakit nagsnow po sa lugar ninyo?"
.
"Natulog lang ako sa aking kwarto. Auto-matic naman ang aircon namin kaya di ko na pinansin. Di ko namalayang bukas pala ang aming pinto. Automatic kasi ang pagfunction ng aking aircon at titigil lang ito sa pagpapalamig nang malamigan na ang buong kwarto. Di ko naman inaasahan na buong barangay ang mag-snow."
.
Tinatayang tumagal ng tatlong araw ang pagsnow sa buong baranggay dahil na rin sa climate change. Ang mga tao dito ay inabisuhan na magsuot ng makakapal na damit at magpainit dahil nga delikado ang pagbaba ng temperatura.
.
Ang mga tao naman na senstive sa lamig ay dapat munang ilipat sa kabilang baranggay. Tandaan, "Huwag bubuksan ang pinto, lalabas ang Aircon"
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
REGISTER NOW ON READ.CASH TO START EARNING TODAY BY WRITING YOUR OWN PERSONAL BLOG.
Click this link for more info: https://read.cash/@Read.Cash/welcome-to-readcash-e45d42ef
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
SUPPORT OUR PLATFORMS:
YOUTUBE
https://www.youtube.com/channel/UCa3P1MvmYP3kGtZpT7muFTg
FACEBOOK
https://www.facebook.com/PHReadSikritPirson/
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
SUPPORT OUR WRITERS BY DONATING AND UPVOTING
BE OUR SPONSOR
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀
For more News Updates
Follow, Share, Like and Subscribe
THE PHILIPPINE READ
Your #1 News Authority