Share ko lang itong kwento na gawa ng pamangkin kong grade 6 mga kababayan. Pinagawa sila ng maikling kwento bilang assignment at nabasa ko ito sa kanyang gawa at ako ay napahanga dahil kahit bata pa siya ay alam niya na ang realidad at kalagayan ng mga aso. Nakakatuwa dahil nakagawa siya ng ganitong kwento at may matututunan pa.
Kadenang Kalawang
Isang aso na inaalagaan ng isang maayos at masayang pamilya. Mas mamahalin pa ang kanyang ulam kaysa sa mga palaboy, meron siyang pagkain ng aso at kumpleto sa bakuna ngunit wala lagi ang kanyang amo. Mag isa palagi sa bahay at paikot ikot at iipot ipot sa bakuran at babalik sa pagtulog hanggang sa dumating ang kanyang mga amo at buong galak niyang sasalubungin at didilaan at masayang nakikipagharutan ang amo niya sa kanya at binubuhat at hinihimas himas ang kanyang makapal na balahibo. Masayang makita ng isang aso na nagbalik ang kanyang amo sa pag daan ng ilang mga oras ng hindi pag kikita dahil sa pag alis nito. Mahimbing na natulog ang aso sa tabi ng kanyang amo hanggang sa sumapit ang ilang araw na ganoon ang kanyang mga ginagawa at buong sigla niya pa den na sinasalubong ang kanyang amo. Isang araw may bagong tuta ang dumating sa kanilang bahay at ang aso ay nagtaka at hindi kaaunan ay naging maamo sila sa isa’t isa. Sa pagkain man ay may kahati na ang aso masaya naman ito na may makakasama na siya sa pagkawalay sa kanyang amo. Noong umalis na ang kanilang amo ay hinimas muna nito ang dalawang aso sabay sarado ng pintuan at agad na nanahimik ang aso at patuloy naman nitong hinaharot ng tuta at nakipag harutan naman ito hanggang sa mapagod at makatulog. Nang sumapit ang gabi at nakauwi nanaman ang amo nila ay may pasalubong ang kanilang amo hindi sa aso ngunit sa tuta na gatas at pilit na nagpapaamo ang aso ngunit hindi ito pinansin. Nalungkot ang aso at nakaramdam ito ng selos sa tuta kung kaya ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa tuta. Nanahimik lamang ang aso sa gilid at pag hinaharot siya ng tuta ay nagagalit at uungol ito ng paakmang mangangagat kaya natatakot ang tuta. Isang umaga bago pumasok ang kanilang amo ay hinimas nito ang tuta at ang laking giliw ng tuta na engganyuhin ang amo at nasanggi nito ang natutulog na aso at nagalit at kinagat nito ang tuta na ikinagalit ng amo kaya palo ang natamo ng aso at kinulong ito sa kulungan ng aso at ang aso ay ingit ng ingit sa loob ng kulungan. Pinakawalan naman ang aso ngunit paglipas ng ilang araw ang aso ay nanibago sa kanyang pagkain na hindi na kasing sarap ng dati isang kanin na may sardinas na hindi niya kinain at nawalan ng gana samantala ang paboritong tuta naman ay maayos at masarap ang kinakain hanggang sa ito ay mabusog at nahigitan ang timbang ng aso. Palagian na din ang hindi pakikipaglaro sa kanya ng kanyang amo kahit sinubukan niya itong lapitan. Isang araw nakita ng aso na madaming dalang gamit at hinakot ang mga gamit ng kanyang amo bitbit ang tuta na may lahi ni hindi man lamang hinimas ang balahibo at ulo ng aso o niyakap manlang ito. Napa ingit ang aso sa pagkakaalam nito na aalis nanaman ang kanyang amo ngunit lalong lumakas ang kanyang ingit na sobrang dilim ng kanyang paligid. Madami mang naiwang pagkain sa aso ay hindi ito ginaganahang kumain dahil sa walang gana nito at mag isa sa loob ng inabandunang bahay ang aso. Lumipas ang isang gabi, ang aso ay matagal na nag abang sa harap ng bahay upang antayin ang pagdating ng amo ngunit walang dumating at natulog nalang ito. Sumunod na araw naman ay wala pa den ang kanyang amo at ang kanyang panis na sardinas at isang dakot na pagkain na aso na lamang na tira pa ng tutang may lahi ang kanyang pagkain at kinain naman ito ng aso at naubos sa labis na kagutuman at hindi na din maganda ang kulay at lambot ng dumi neto, miski ang kanyang balahibo ay nakakalbo na at nangingitim. Nag daan ang tatlong araw at wala ng makain ang aso at wala na din tubig na mainom ito mula sa isang balde na mula sa palikuran at nangayayat ito. Sinubukang lumabas ng aso upang maghanap ng pagkain ngunit napadpad ito sa isang basurahan na puro buto at hindi na niya ito pinalampas sinimulan na niya itong galawin at humanap ng pagkain ngunit isang matanda ang nagtaboy sa kanya at ito ay umalis na may dalang isang plastik na naglalaman ng buto. Napalayo sa kanyang tahanan at hindi na makabalik dahil sa layo ng kanyang nilakad. Hanggang sa napadpad siya sa kalsada kung saan ay sinubukan niyang tumawid ngunit dahil sa paninibago ay hindi niya alam na may paparating na kotse na bumubusina hindi na nakaiwas ang kotse at siya ay nasagasaan at isang malakas na pag sigaw ang kanyang ginawa. Hanggang sa napahiga na lamang siya sa isang gilid at napatulog. Ng magising ay ramdam ng aso ang kanyang gutom at nakatayo naman siya na may bali ang kanyang isang paa. Habang naglalakad siya ay may isang matandang lalaki na magbobote na may dalang tinapay ang nagbigay sa kanya ng isang pagkain na kinurot niya sa kanyang kinakaing tinapay. Agad na lumapit ang aso at pasimple niya itong inamoy at kinain at ikinatuwa ito ng isang lalaki. Ng maglakad papalayo ang lalaki ay sumunod naman ang aso sa kanya at naawa ang lalaki at binigyan pa niya ulet ito ng makakain at naging maamo ang pilay na aso. Binuhat ng lalaki ang asong kanyang pinakain at hindi naman nagalit ang pilay na aso dahil maingat naman itong binuhat at nakarating sila sa isang papag na bahay. Hindi katulad ng kanyang nakaraang buhay ang kanyang tinuluyan ay isang bahay na gawa sa kahoy na itinayo lang sa pwesto. Nagdaan ang araw at gumaling ang kanyang pilay dahil na din sa pag aalaga sa kanya ng kanyang bagong amo at palagian nilang magkasamang mangangalakal ay natuto itong kumuha ng mga bote habang nakatali sa isang kadenang kalawang. Hindi man masarap ang kanilang kinakain na puro buto at sardinas maamo ang aso at sinusunod naman at hindi mawalay sa kanyang amo dahil sa labis na pagiging malapit nilang dalawa.
I can't understand.