Makakapagtapos Ako!

3 31

Lumaki ako sa simple at hindi marangyang pamilya. Parehong hindi nakapagtapos ang mga magulang ko, dahil maaga silang nag-asawa. Malaking disappointment sa parehong side ng mga magulang ko ang kanilang ginawa lalo't graduating nun si mama at college din si papa. Ang naging tingin tuloy nila sa'kin, 'History repeats itself', naniniwala silang hindi rin ako makakapagtapos ng pag-aaral at mag-aasawa rin ng maaga.

Hindi ako nagpatalo lalo't suportado naman ng pamilya ko ang aking pag-aaral. Nang tumungtong ako sa elementarya, maayos naman ang lahat, hindi natatapos ang school year na wala akong honor. Kahit papaano, nakapagtapos naman ako ng elementarya.

Sa sekondarya naman, natuto akong mag-enroll magka-isa kahit na ang paaralan ay nasa ibang barangay na. Nang magsimula ang klase, medyo nahirapan na kami lalo sa pamasahe araw-araw, minsan hindi na ako kumain para lang may pamasahe sa susunod na araw. Nasanay rin akong maglakad ng mahigit tatlong kilometrong daan pag uwian.

Nakaranas din ako ng diskriminasyon sa eskwelahan, dahil sa hirap ng buhay, napagbibintangan akong nagnakaw kahit na hindi naman. Napapagalitan at pinapahiya ako ng ibang guro dahil hindi ako makapagpasa ng requirements on time. Hindi rin ako nakakapunta sa mga extra-curricular activities dahil wala akong pambayad. Tiniis ko lahat yun para lang makapagtapos. Natapos ko ang sekondarya, na may karangalan.

Kolehiyo na ang aking pinasukan. Hindi ako tumigil kahit gusto ng tatay kong patigilin ako. Pumasok ako at naghanap ng kung ano-anong scholarships, Academic scholarship, publication scholarship, local scholarship at kung ano-ano pa. Pero kung gaano ang hirap nung nasa sekondarya ako ay mas mahirap na naman dito. Mas malayo ang unibersidad, mas maraming requirements, at mas maraming gastusin. Nagtiis ako at nagtipid. Tiniis ko ang gutom, pagod, at pati panlalait ng ibang tao. Kahit sinasabi nilang, "Bakit pa kasing pinipilit pag-aralin ehh nahihirapan na nga?" Nakakasakit pero nakakadagdag motibasyon. Hanggang nakatapos din ako sa kolehiyo.

Nagreview, nagboard exam, nakapasa at ngayon lisensyado na!

Marami man ang hindi nagtiwala sa kakayahan ko, pero marami din naman ang taong nagpatibay ng loob ko. Lalo na't kasama ko ang Diyos at ang pamilya ko, ang dating kasabihang "MAKAKAPAGTAPOS AKO ay naging SA WAKAS, NAKAPAGTAPOS NA AKO!"

1
$ 0.00

Comments

Praise God! natutuwa ako at natupad mo ang pangarap mo.. pero di nagtatapos jan kailangan pang mag apply at kung ano ano pa..

$ 0.00
4 years ago

Thank you po. Kasama talaga siguro sa pagtupad ng mga pangarap ang hirap. Kaya dapat fight lang.

$ 0.00
4 years ago

Amen! That's the spirit! :)

$ 0.00
4 years ago

Same. Yung parents ko hindi rin nakapagtapos. Mama ko high school graduate lang kasi ayaw na siyang pah aralin ng lola ko dahil babae naman daw. Si papa naman tamad mag aral kaya hindi nakatapos ng high school. Ganunpaman madiskarte sila pareho kaya naigagapang ang pag aaral naming magkakapatid. Asa lang din sa mga scholarships nung college at laging pinagtatawanan nh mga tricycle driver kasi lagi nila kong nakikitang naglalakad lang papuntang skwela pero heto ako ngayon nakapagtapos na din at lisensyado na.

$ 0.00
4 years ago

Congrats po sa tin, kahit na mababa ang tingin ng ibang tao sa atin, hindi tayo nagpatalo.

$ 0.00
4 years ago

Wow. Alam ko marami ka pang mararating. Siguro bless na rin ako kase hindi ko naranasan yan. Suguro bless na rin ako kase hindi sa akin pinaranas yan . Nakaka tuwa lang kase mas pinili mong lumaban kesa sumuko at ngayon linsensyado ka na. Marami ka pang mas mataas na mararating. Keep writing lang po para more earnings thankyou

$ 0.00
4 years ago

Thank you po. Marami din pong nakaranas ng ganito kagaya ko. Pero fight, fight, fight lang.

$ 0.00
4 years ago

Opo kasi kung maniniwala tayo sa sasabihin ng iba baka nga wala tayong marating . Basta laban lang dapat at walang susuko gaya mo . Nakaka inspire ka naman po . Sana po ay tuloy tuloy na ang tagumpay na iyong nakakamit. Siguro minsan iniisip din ng mga tao na di ako makakatapos dahil may jowa na ako pero wala naman po akong paki alam

$ 0.00
4 years ago