♡Humanista Uno ♡

0 15

Bb. Abby

Sa apat na sulok ng silid na aming kinalalagyan

Iba't ibang personalidad ang matutunghayan

Sa halos sampung buwang pinagsamahan

Sadya na ngang mahirap bitawan.

Simulan natin sa unang pasukan

Panahong bawat isa'y nagkakahiyaan

Sa bawat tinginan

Tanging ngiti ang binibitawan.

Ngunit sa bilis ng pagdaan ng oras,araw at buwan

Mga tunay na kulay ay nagsisilabasan

Mga pambabara,kopyahan,asaran at tawanan

Ay sadya na ngang mahirap kalimutan.

Humanista Uno,

Numero unong maingay ngunit hindi dehado

Humanista Uno,

Aminadong magulo

Pero buong klase ay talentado

Mag-kakaiba man at may kanya-kanyang mundo.

Nandiyan ang mga sumasatinig na mang-aawit

Na kayang sumabay sa himig ng bawat maliliit na titik.

Mga mananayaw na umiindayog sa ritmo ng musika

Sayaw doon,sayaw dito at may papitik-pitik pa.

Mga manlalarong tunay ngang mahuhusay

Hanggang sa dulo nakamit ang tagumpay.

Mga anino ng sining ay nandiyan na rin

Patuloy na gumuguhit at talaga namang malikhain.

At siyempre hindi magpapahuli

Ang nag-iisang manunulat na ngayo'y sumusulat para sa kanyang apat na pu't walong kaklase

Binibigyang buhay at tugma

Ang mga naiwang alaala ng bawat isa.

Classroom na ginawang tournament ng ML

Pero panay ang pabuhat at pagiging cancer

Mga supplier ng polbo,liptint at siyempre papel

Mga adik na wattpader at tiktoker

At di papahuli ang mga role player.

Mga quiz na one for all, all for one

Exam na 'we find ways' ang kasabihan.

"Nandiyan na si ma'am"

"Good morning ma'am,sorry I'm late"

Kadalasang maririnig sabay tawanan at pikunan.

Mga papasok na akala mo inosente

Pero nakainom pala ang tae

May mga natutulog sa klase

At walang takot mag-cp.

Family daw,

Pero may mga pusong naliligaw

Family is love daw,

Kaya pala nasobrahan at may tanong na "puwedeng manligaw?"

Mga umamin sa crush nila pero hindi crinushback

May sumubok pero hanggang friends lang

Nagbigay ng motibo pero wala din palang balak sumalo.

Hay naku!

Sa dalawang adviser namin na sobrang bait

Magagalit saglit

Pero hindi kami matiis kaya okay na ulit.

Sarap sa feeling...

Mga masasayang samahan,

Ay magtatapos lamang sa isang paalam.

Kung para sa iba ito ang pinakaworst

Para sa amin ito ang pinaka the best.

1
$ 0.00

Comments