Sa kabila ng pandemiyang CoViD19, nagsimula na noong ika-isa ng Hunyo ang enrollment sa parehong elementarya at sekondarya sa anumang baitang.
Base sa aking karanasan, karamihan sa tanong ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga estudyante ay 'Paano ang pagpasok ng bata?' 'Kailangan ba talagang bumili ng gadgets at magkaroon ng internet?' 'Papasok ba sila sa eskwelahan?' 'May bakuna na ba?' 'Marami bang babayaran?'.
Kung iisipin, ang dami o ang laki ng pagbabago ng sistema ngayon. Ang dating hirap ng pagpapa-aral at pag-aaral ay lalo pang humirap. Pareho ding mahihirapan ang mga estudyante, magulang maging ang mga guro.
Ngunit sa pagnanais ng mga bata at magulang na makatapos sa tamang panahon, ninais din ng karamihan na makisabay sa enrollment at pumayag sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto.
Kung ikaw ang tatanungin, papayag ka bang matuloy ang pasukan sa Agosto?