Sino kayang tao ang ni minsan hindi nagkacrush?
Ako, honestly, bata pa ako nun may crush na ako, pero syempre dahil bata, parang wala lang. Laro-laro lang tapos yung feeling na crush mo dahil humahanga ka lang sa kanya. Pwedeng dahil sa itsura , talento o katalinuhan niya.
Masaya namang magkacrush, pero pag nalaman ng mga kaibigan o barkada, naku kantsaw ang abot mo. Yung tipong ayaw mo ng magpakita sa crush mo kasi mahihiya ka na talaga sa ginagawa ng mga kaibigan mo. Nakakatuwa, nakakabwisit at nakakainis na pang-aasar.
Ang masaklap lang sa pagkakaroon ng crush ay yung hindi ka icrushback, pero okay lang na hindi icrushback, basta hindi ka gagawan ng kalokohan... Totoo din yun minsan, kahit hindi mo naman super duper na crush yung tao, pero hindi ka talaga pinapansin o hindi naman, ginagawa kang katatawanan, isama pa yung mga barkada niyang sutil. Sarap ibalibag yung mga ganung tao, eh ano naman kung crush mo siya? Para namang ikakamatay o ikakasira niya, di 'ba. Pero well, ganyan talaga ang ibang tao. Sana talaga, tumino na yun hahaha