Anak
*Naalala mo pa ba, noong ikaw ay musmos pa?* *Lagi mo sinasambit ay ang salitang "Mama"* *Mawala lang ako saglit sa paningin mo* *Hanap mo agad ay si ako* *Mama saan ka nagpunta?* *Mama bakit di mo ko sinama?* *Mama kwentuhan mo ko .* *Mama i love you.* *Tuwang-tuwa ako noong unang sinabi mo yan* *Ang sabi ko pa, "saan mo yan natutunan?"* *Ang sabi mo naman, "Sa palabas po, sabihan daw ng I love you ang mga Mama"* *Kung sino ka man na nagsulat ng script na yun, Good job!*
*Naalala mo pa ba, noong unang araw mo sa eskwela,* *Umiiyak ka dahil ang gusto mo samahan kita* *Pero sabi ko sayo, "Anak, hindi pwedeng samahan ka"* *Kaya ang sabi mo noon ay, "Huwag ka aalis Mama ha, dyan ka lang at ako'y bantayan"* *Tuwang-tuwa ka pa noon ng tinatakan ni teacher ng 3 star ang kamay mo* *"Mama, very good daw ako" yan ang pagmamalaking sambit mo.* *Kaya naman si Papa mo ay may pasalubong agad sayo* *Chocolate at ice pop na paborito mo.* *Dumating ang araw na nagtapos ka ng kinder* *Excited ka na suutin ang puting bestida na hiniram ko* *Nakakalungkot dahil sa mga panahong yun ay walang wala tayo* *Kaya naman pagkatapos ng okasyon ay di man lang kita napakain sa paborito mo na Jollibee* *Pero sabi mo naman ay, "Mama okay lang yan, Kain na lang tayo sa bahay. Mas masarap ang pagkain na niluto mo kesa kay Jollibee"* *Naalala mo pa ba, noong unang beses na nabully ka?* *Galit na galit si Mama anak, alam mo ba?* *Di baleng ako ang kantiin nila, huwag lang ikaw* *Dahil mahal na mahal kita* *Dumating ang araw na pumasok ka ng high school* *Excited din ako sa bagong chapter ng buhay mo* *Kaya kahit ako lang yata ang Nanay na andoon para samahan ang anak* *Eh okay lng, mapapanatag ako na makita kang maayos ang kalagayan sa bagong mong eskwelahan*
*Madami kang nakilala, mga bagong kaibigan na makakasama* *Masaya ako na nakikita kang masaya at alam ko na mabubuti sila* *Naging bahagi sila ng iyong pag-unlad* *Bilang tao at mabuting kaibigan* *Sa dami ng iyong pinagdaanan bilang estudyante* *Masaya ako na naging matatag ka sa tukso at masamang impluwensya* *Lagi mong sinasabi na "Mama magtiwala ka, tutuparin ko ang pangako ko sa inyo ni Papa"*
*Lagi mo sinasabi sa akin na "Mama, kapag ako'y nakapagtapos na at natanggap sa magandang kumpanya, Ipagtatayo kita ng malaking bahay at ikukuha ng sampung yaya"* *"May tagahugas, tagaluto at tagapagpaligo sa inyo ni Papa Ma, ang gagawin mo na lang ay ang magpaganda"* *"Bibilhan din kita ng Ferrari, at ikukuha ng driver na macho"* *Tawa tayo tapos ng tawa, dahil sa mga pangarap natin na sana ay hindi hanggang pangarap lang din.* *Pero alam mo anak, makita lang kita na nakapagtapos eh masaya na ako* *Hindi ko hangad ang mga binanggit mo* *Makita lang kita na maayos ang estado sa buhay ay okay na ako* *Di ba, lagi ko sinasabi na laging andito si Mama, gawin mo akong kalasag sa mga hamon ng buhay anak.* *Kaya ngayon na magkokolehiyo ka na,* *Laging andito pa din si Mama* *Kahit minsan ay di mo ako kailangan* *Basta lagi mo tatandaan, Isang tawag mo lang anak, si Mama ay palaging andyan.* Closing Thought Emeged, masyado ako napaiyak ng sinulat ko na to! I'm sure lahat ng mother earth eh makakarelate dito. At sana din sa mga anak na makakabasa nito, malaman nyo sana na mahak na mahak kayo ng mga Mama nyo at siempre Papa na din. Kaya mahalin nyo sila at pahalagahan.. `Date Published: August 11, 2021`
54 comments
ay grabeee ang bigat ! chay
Hahaha, thank you pixel, salamat sa time na nilaan sa pagbabasa, heheh
Awwwwww. That was deep and inspiring, sis!
Thank you sis!💜❤
You're welcome, sis!
Aigoo. Ang sweet naman nito. . nagbloom sya te 😁
Yup Jane, nagbloom ng bongga, hehehe
Ang masasabi ko lang po ay isa kayong supportive at mabuting ina. Hiling ko na sana matupad ang mga pangarap ng iyong anak. :)
Salamat beh,
Ayieee, napaka sweet naman na Mommy ni Madam, for the Love if her Child. Nakaka tuwang nakita mo ang pa unlad at pag laki ng anak mo into a beautiful and amazing girl. Sana'y matupad nya lahat ng pangarap nya. Madapa man sya'y pilitin nya sanang bumangon, para sayo at para sa Papa nya 💙🐟🌊🐋
Ang seryoso ng message mo madam, naiiyak tuloy ako, hehehe... Lahat talaga ng magulang eh gagawin yan pra sa kanilang mga anak.. Maraming salamat sa Suporta madams, hehehe
Aheeee, dapat mag seryoso din minsan madam. Wag daw puro lalaki iisipin, wahahahaha.
Ayun, congrats to the proud parents lodi,! Ayus lahat sa dulo, yung gawing kalasag lods, si hubby mo daoat yon,. Ikaw nalang ang 10 yaya in 1,., Hehe
Umiiyak din ako ngayon mommy , Kainis ka! Tulo luha ko ko oh
Ay nakakatouch naman po, sana ako din masubaybayan ko pa ang paglaki ng anak ko, at mashare nya pa sa akin mga pangarap nya paglaki nya:)
Ilan taon na ba anak mo sis?ako kasi eh maagang nagbuntis
Mag 3pa lng this december madam taz maedad na ako, kaya im praying for long life para masubaybayan ko pa lahat ng mga mangyayari sa knya
Oh I see, ako kasi eh 23 nun nagkaanak, 4 years na lang gagraduate na sya sa college
Kaya nga po, ako mahabang mahaba pang oras ang kailangan ko para makarating dun, may advantage tlga ang maagang pag-aasawa lalo na sa mga panahin ngayun na halos maiksi na ung life span ng tao
Tama ka sis, kasi mas]masusubaybayan mo ng matagal ang anak mo
What an emotional article. It really came from the heart. 🥺 Sacrificial and unconditional talaga ang love from parents. ❤
Mau jud madams, in time maexperience mo man how to be a mom,,btw, thanks a generosity naman madams,hehe
Balang araw magsusulat din ako nang ganito huhu 😭 excited ako sa paglaki nang anak ko hehe
Darating din yun araw mo sis,hehehe.. salamat sa upvote..
Hehe welcome sis paka active ka dito para mapansin ka nang robot.
Yes sis,heheheh.. thanks
Nakakatouch po... Gaiging senti siguro talaga ang mga nanay lalo na at makita ang anak na para bagang hindi kana kailangan dahil kayang kaya na nila ang mgasarili nila..
Tama sis, kaya ikaw habang bata pa ang anak mo eh spend more time. Kasi ddating yun araw na mas gusto na nila kasama friends nila kesa sayo..
Kaya nga sis.. Di ko din maimagine na parang magiging itsapwera nalang ako sa mga anak ko.. .. Maramdamin pa naman ako.. Hahahaha...
Hahaha, naku sis, be ready kasi ako eh pinagdadaanan ko na yan..
Napakasupportive niyo naman po sa inyong anak . Sana po matupad lahat ng mangarap niya sa buhay. Goodluck po sa journey nya ...
Salamat sis. I am sure lahat ng Nanay eh supportive sa kanilang mga anak, at yun kasi ang daat ara lumaking mabuting tao..
Grabe tusok na tusok sa puso Naman to ate. Grabe, sobrang supportive nyo po sa anak nyo. Sana matupad niya lahat Ng mga pangarap niya sa buhay.
Gagabayan ko sya ng husto beh para maaigurk na maabot nya lahat pangarap nya..
Awww Mama nakakaiyak. Ayyy. Haha. Ang swerte ng anak nyo at swerte rin siya sa inyo. :)
For sure lahat ng anak eh swerte sa kanikanilang mga mommies, heheh.. Thanks for reading and for the upvote sis..
Nakaka-touch naman ito mamsh! Gusto ko din masubaybayan yung paglaki ni Prince e hahaha swerte mo sa anak mo mamsh, swerte din pala sya sa inyong mag-asawa hihihi <3
Hello mamsh!eto na ba new mo? Of course naman,masusubaybayan mo yan. And i am sure magiging mabuting bata si Prince dahil sa inyong mag asawa..
Uu mamsh! This is me, MrsPepper hihihi shelemet ah! Swerte natin sa mga anak natin hahaha
I couldn't understand one bit, but I enjoyed looking at the pictures :)! I love those pink glasses, I might get myself one soon! :)
It is about the story of my daughter while growing up. How I guided her until now..
oh ok, thanks :)!
I think you can hit that globe icon for translation.
It doesn't work for me :( It shows, 'can't translate this page'
Oh. I'll try, and it worked for me.
Sorry for late response Stea. Yes, bmjc9i is right. You can hit the globe icon for the translation..
Sis. Ambot na lang. Giduka kaayo ko pero pag basa naku. Hayst. Di ko mama pero na touch ko. I guess as an anak. Makagawa nga ng ganito. Long live sa tanang inahan diha! 💚 Libog ko if crying emoji ba or unsa sa heart na lang. ♥️
Hehehe, nhilak pud ko sang ginhimo ko ni kay naremember jud na ko ang every chapter sang akuang anak nga upod ko..
Nakabasa siya ani? Sure ko nig magminyo na na, makahinumdom na sad ka ani from her being just inside you until the moment na nilakaw siya aisle.
Grabe naman guro hilak ko sis
More comments