A Tiring Yet Fulfilling Day!
Howdy guys?! I was away for too long, don't you think? I was not able to read din all your articles for these past few days. I was kinda busy. Alam nyo na, lakad dito lakad doon para sa ayuda na pwede ko makuha sa mga lgu's dito sa amin like sa Mayor's office, dswd and Malasakit Center.
I started processing things yesterday. I was advised by a friend na lumapit nga sa LGU para makamenos sa gagastusin ko for my chest ct scan. So kahapon, kasama ko anak ko na nagpunta sa Malasakit Center which is located sa Roxas Memorial Hospital. Unfortunately, I am not qualitfied for the financial assistance because they don't cater outpatients. They only help those who are confined or admitted in the said hospital. So after namin sa Malasakit Center eh dumirteso naman kami ng anak ko sa City Hall but when we arrived there, tinuro kami sa may harap ng City Health Office kasi doon na daw nagkicater ng financial assistance ang Mayor's office. So ayun, naglakad na lang kami kasi another pamasahe na naman eh medyo tipid tayo. So ayun, after mahabang lakaran eh nakarating kami ng may hininga pa, charoot! After ko nakuha yung list ng requirements eh uwe na kasi tonguts na talaga ako.
Fast forward na tayo today, so ngayon naman, kumuha ako ng 4 copies ng Medical Certificate from my doctor which is worth 300 pesos. 1 pm ko na kinuha sa St. Anthony and then pinalagyan ko din ng qoutation ang Ct Scan kasi isa yun sa requirements ng Mayor's office.
After ko naman makuha lahat yun eh dumiretso ako sa office ng SWAD which is katapat lang ng Ospital. Konteng kembot lang eh andun ka na. Medyo nabigla ako ng slight lang, char! Kasi pagdating ko doon eh grabe ang pila.
I asked for the complete list of requirements and upon checking it is meron na ako ng lahat ng kailangan. Pipila na din ako sana kaso sa haba ng pila na inabutan ko eh baka abutan ako ng hapon. Isa pa mukhang babagsak pa ang ulan. Kaya babalik na lang ako either Wednesday or Thursday.
Then after that, diretso naman ako sa Emmanuel Hospital for the laboratory request forms na hiningi ko sa doctor ko. And tamang tama naman na pagdating ko eh naghihintay na sya doon kaya it did not take long bago ko nakuha ang pakay ko.
Then sakay ulit ng tricycle and dumiretso ako ulit sa City Health.
As usual, may nauna sa akin kaya wait muna ng konte. Buti na lang at di mainit kaya oks lang na maghintay. When it was my turn, binigay ko sa kanila yung requirements ko and sabi nya eh wait muna daw ako kasi ichecheck nila. I think 20 minutes had passed bago nila ako tinawag ulit. The lady said na okay naman ang requirements ko. But, as of now daw eh wala pang budget ang office nila for the financial assistance. I was told na bumalik ako Wednesday, next week.
I am a bit disappointed pero at least may liwanag pa akong natatanaw, HAHAHA! okay, so babalikan ko talaga yun next week. And this coming Thursday eh pipila naman ako doon sa SWAD. tomorrow eh rest day ko naman kasi baka naman macompromise ang health ko sa kapaparoo't parito sa daan. And next week, lalapit din ako sa kapitolyo kasi uupo na yung bagong Governor dito sa amin. Masyado na ba makapal ang mukha ko hahaha! Hay naku, bahala na, basta kung sino ang pwede lapitan eh gora ako para makamenos lang sa gastos.
I had a very tiring day but I can say that I accomplished nevertheless what I had on my to-do list. And hopefully, may magandang bunga naman ang hirap ko.
And that's it for today blog! Thanks for reading!
--
Date Published: June 28, 2022
All photos are mine unless stated otherwise.
Sana talaga mas ipasimplify yung process ng pagkuha ng financial assistance. Parang pag kinukuhanan tayo ng buwis sobrang dali pero pag hihingi tayo ng unting parte sa mga buwis na binayad natin, parang madaming process hahaha