November 09, 2021
Tuesday. 08:03pm
How are guys.
Thank you sa mga butihin kong sponsors.
Another day again that we've benn through from tiredness, mixed emotions, happy and blessed.
I am lucky again because I went home already when it rained so hard. I almost 06:00 pm leave from work because of extra overtime works for reports submission.
Mabuti nalang at hindi na ako naabutan ng ulan habang pauwi ako kundi basa na naman ako at baka sisipunin pa ako.
Naalala ko lang noong nakaraang sahod ko may nag chat sa akin ng hindi ho kami close noong high school pero kakilala kami kasi madadaanan yung bahay nila bago sa amin. Isang gabi, habang ako'y kumakain ng haponan ng chat siya sa akin at nangumusta.
Nagreply naman ako at kalaunan may hihingiin daw siyang pabor sa akin manghihiram daw siya ng pera sa akin kasi interview daw niya sa hotel na ina applyan niya.
Pero alam ko na ang motibo niya sa simula't simula palang. Sikat na kasi siya sa amin na hindi nagbabayad ng utang at ilang beses na ring na barangay dahil hindi nakapagbayad ng kinuha niyang mga gamit sa Personal Collection na hulug hulogan hanggang isang buwan.
Hindi talaga ako nagpauto at napasabi nalang ako sa sarili paano kaya niya nalaman na sweldo ko noong November 5. Iyon pala ay nagtanong pala siya sa mama ko pero sa ibang pamamaraan para hindi halata, kanina ko lang na realized na kaya pala alam niya.
Makailan din niyang inuulit ulit na babayaran daw niya sa katapusan ng buwan haha napaisip ako baka sa katapusan ng mundo yun hahaha.
Waka talaga siyang nagawa kundi magtunganga kasi hindi niya ako madadala kahit maganda siya haha lol.
Ayokong ma scam at ayokong maningil ng utang. Hindi ko talaga gusto na ako ang mag adjust upang maningil samantalang sila milktea milktea lang hahaha.
Tama na.
Minsan na rin akong nasubukan mag negosyo pero bagsak hindi nagpatuloy dahil kadalasan utang ang liit ng kita tapos malaki ang puhunan at ang tagal pa mabayaran.
Tama na at mag ipon nalang ng pera para sa pamilya upang may magastos sa pang araw araw na gastusin at may mga emergency back up na pera.
Magandang aral.
Maging wais sa paggamit ng pera at huwag basta basta magtitiwala sa mga taong hindi marunong magbanat ng buto.
Maraming salamat sa pagbabasa at pag uunawa.
You made me happy and blessed.
๐คด R Y A N 03
Akala ko ako lang nakaranas sa mga scammer na ganyan, haha.sakin malaki pa utang nya haggang dumating sa point na ng file na ako ng case , ng bayad lang ng ilang buwan di pa nakalahati sa hiniram nya, until now wala ng tuluyan na syang umalis sa lugar nila at d ko na ma trace if nasaan na sya kaya d ko nalang sya hinabol hinahayaan ko nalang ,concensya nalang sa kanya kung d nya ako bayaran.