Kung Paano Aayusin ang Nasirang Pagkakaibigan

0 2

Lahat tayo ay nakakagawa ng mali dahil sa di tayu perpekto. Minsan naman ay nakakagawa tayu ng malulubhang kasalan sa ating kaibigan lalo na sa ating malapit na kaibigan o tinatawag na besprend. Ano kaya ang mararamdaman mo kung nasira ang inyong pagkakaibigan? Marami sa mga magkakaibigan sa ngayun ang nagsasabihan ng kanilang mga sikreto dahil nga sa may tiwala sila sa isa't isa. Pero paano kung ang isa ay nakagawa ng mali? Maari ba nitong sabihin sa iba ang iyong mga sikreto?Ano kaya ang magiging resulta nito sa iyo?Maaari ngang tuluyan ng masira ang kanilang pagkakaibigan. Paano kung nagsisi ka naman at gusto mo nang makipag ayos? Paano ka kaya makikipag ayos? Sagutin natin yan mamaya.

Natural lamang sa kaibigan na sa kalaunan , maaaring may masabi o magawa ang isang kaibigan na makakasakit sa iyo.Aminin natin na minsan ay nakakasakit din tayu sa iba.

Sinasabi nga sa Bibliya sa Eclesiastes 7:22,"dahil alam mong isinumpa mo rin ang maraming beses ang ibang tao". 'Lahat tayu ay hindi perpekto, kaya maaaring magalit tayu kung minsan sa ating malapit na kaibigan. Nagiiba kasi ang ating ugali habang ikaw ay lumalaki at nagkakaedad. Nagbabago din ang mga gusto mo at gusto ng iyong kaibigan.Ano ang gagawin mo kung sakaling unti-unti nang magkalayo ang loob ninyong magkaibigan?

Paano mo Kaya Aayusin

Inihalintulad ang tampuhan ng magkaibigan sa isang punit na damit- maaari pa itong ayusin. Binabanggit nga sa Bibliya: "Kung posible, hangga’t nakadepende sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao"(Kawikaan 12:18)

Minsan naiisip mo din," kung maibabalik ko lang ang pagkakaibigan namin. Mas nakinig nalang sana ako sa kanya kaysa ipagdiinan ko pa ang kaniyang mga pagkakamali at hindi humantong sa tampuhan. Ngayun, alam ko nang tumitibay ang samahan ng magkaibigan kung magkasama nilang malalampasan ang mga problema.

Pag-isipan mo rin kung maynagawa kang isang bagay na nakaragdag sa problema niyo. Halimbawa: padalos dalos ka sa pagsasalita at hindi mo agad pinakinggan ang iyong kaibigan o kaya di ka naging maingat sa pagtago ng sikreto ng iyong kaibigan . Kaya tanungin ang iyong sarili, "May kailangan ba akong baguhin sa aking sarili para mas maigalang ko ang kaibigan ko?"

Ano ang Maaari Mong Gawin?

*Makakabuting kausapin mo nang maayos ang iyong kaibigan. Tandaan na huwag na huwag mong gagawin ito kapag galit ka. Sinasabi nga sa Bibliya, "Nagkakaroon ng away dahil sa taong mainitin ang ulo,Pero dahil sa taong hindi madaling magalit, tumitigil ang pagtatalo".(Kawikaan 15:18). Kaya palamig muna ng ulo bago ka makipag-usap.

Tandaan: Huwag muna mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa iyong kaibigan. Tanungin kung ano ang nangyari.

1
$ 0.00

Comments

Please like and subscribe..

$ 0.00
4 years ago

Mas nakakabroken pa nga minsan kapag nakaaway mo ang kaibigan mo eh.

$ 0.00
4 years ago

Pwede pa namang maayos kahit na nag-away kayu. Depende nalang kung ayaw mong mawala ang friendship nyo.

$ 0.00
4 years ago