Tips and Tricks in Math

4 43
Avatar for OfficialKierLikeUs
3 years ago
Topics: Math

Gusto mo bang gumaling sa Math?

Well, alam ko naman na kaya mo binuksan ang article na ito ay para gumaling ka sa math right? 😉

Tama naman na nandito ka dahil iguguide kita kung paano maintindihan ang math. Hindi mismong math topic ang ituturo ko ha.. Kundi kung " Paano ka mag isip or kung paano mo ito maiintindihan"

Things to Remember:

Tip no. 1 "Aralin ang Basics"

-Syempre kailangan natin mag magumpisa sa simula. Aralin mo yung rules, signs at pati narin mga basic operation tulad ng addition, substraction, division and multiplication. Huwag kadin mahihiya kung hindi mo padin alam or nakalimutan ang mga ito kahit na ikaw ay highschool na or college. Kung hindi mopa alam or nakalimutan mo yung mga bagay na inaral mo kasi tumungtong ka into a higher level, sinasabi ko sayo mahihirapan ka. Ikaw din ang magsusuffer, kaya habang maaga pa wag kana mahiya na aaralin ung mga nakaligtaan mo. Huwag ka din mahiya kay teacher sa classmate mo at sa sarili mo na magtanong.

Tip no. 2 " PATIENCE!.."

-Pag dating sa math hindi sya kagaya ng ibang subject na multiple choice tas isisipin or imememorize mo nalang kung ano yung meaning ng word. Sa math hindi ganon, kasi kailangan mopa isolve yung sagot kada no. bago mopa masabing sure yung nasa multiple choice kaya patience lang talaga. Kadalasan din kasi kapag nag sosolve tayo ay may hindi tayo napapansin na mali, idouble check natin ito, kaya patience lang talaga...

Tip no. 3 "Makinig sa Guro"

-Kapag may discussion kayo makinig kana agad, wag mona pansinin yang maalda mong katabi char AHHAHAHA.. Pero seryoso, kahit si crush pa yang katabi mo focus parin dapat sa sinasabi ni teacher . Kasi once na lumingon ka, sinasabi ko sayo " mapapawow magic" ka. Bakit? Kasi naiwan kana sa discussion, mahirap na balikan kapag may namimiss tayo kahit 1 step lang. Eh nakakahiya naman gambalain ang klase para magtanong kalang diba? Pero tandaan na always magtatanong ha kasi para maclarify yung d mo naintindihan. Siguro magtanong ka after discussion para d makagambala ng klase.

Tip no. 4 " Magtanong"

-Katulad ng sinabi ko kanina, magtanong ka kapag may hindi ka naiintindihan. Maaari ka din naman na magtanong sa mga friends, teachers,classmates at seatmate mo. Pagsisisihan mo talaga pag hindi ka nagtanong kasi magiging unsure ka sa mga bagay na nalaman mo, tsaka para nadin yun upang makasigurado ka sa mga nagets mo. Nakakatulong din ang pagtatanong sa sarili upang mag karoon ka ng bagong discovery. Talagang explore lang at maging curious.

Tip no. 5 " Dont cheat"

Huwag kang manunulad, naranasan ko na tumulad at talagang sinasabi ko sainyong pagsisishan nyo yan bandang huli. Okay lang kahit mababa ang makuha mong score, basta nalaman mo yung mistakes mo at aralin mo lang hanggang sa maimprove mo ang sarili mo tapos next time hindi kana mag kakamali pa. So bakit risky manulad? Sa elementary, Highschool maluwag pa jan ang mga rules at hindi pa ganoon ka strict kaya madali mag cheat pero pagdating nyo sa college, nako! madadamot najan at mahihirapan kana kasi professionals na ang mga kasama mo kaya nga sa madaling salita seryosohan na. Sabihin na nating nakapanulad ka nga, papayag kaba na grgraduate ka ng walang alam?Sinayang mo lang oras, opportunity at tuition mo. Kaya ngayon palang okay lang na di mataas ang marka mo basta iyong sagot ang ginamit. Magiimprove din naman tayo eh, tsaka malay nyo balang araw maging independent na kayo at kayang masolve at magets nyo kahit anong math topic ng sarili nyo lang at walang tulong ng iba.

Tip No. 5 " Sumama sa matatalino"

Kapag nakisalamuha ka sa matatalink yung hobbies, usapan at environment nyk ay iisa. Magkakaroon kayo ng magagandang experiences na may mha purpose. Minsan maaadopt kung anong mga katangian ang merln sila na helpful naman when it comes tk academics.

Tip No. 6 " Youtube Tutorials"

Kung nahihirapan ka naman na magets ang teacher mo, pwede ka naman manood ng mga social media inluencer na naeexplain nila ng simple yung topic. I subscribe nyo lang or ifollow ang mga channel or pages na beneficial or educational. Makakatulong ito sa atin lalo na kung tayo ay nag iiscroll lamang at walang ginagawa.

Tip No. 7 " Set your mind in a Good state"

Mahalaga na maganda ang kalagayan ng katawan at pag iisip natin ng sa ganoon ay makapag isip ng mabuti at hindi nahihirapan. Kumain ng tama at uminkm ng sapat na tubug. Kung ikaw ay bored st hindi mapakali, wag mong iforce ang sarili mi na gawin ang mga bagay na himdi mo gusto kasi kahit anong aral mo jan walang papasok sa isip mo.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Hello Guys so ayan, nakapag post na ulit ako and sana makatulong itong simpleng tips para maimprove yung pag aaral nyk sa math... Hindi lang pala sa math kundi sa lahat ng subject!!!.. THANK YOU SA PAGBABASA💜💜💜

Sponsors of OfficialKierLikeUs
empty
empty
empty

7
$ 1.26
$ 1.00 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.20 from @Codename_Chikakiku
$ 0.03 from @kingofreview
+ 1
Sponsors of OfficialKierLikeUs
empty
empty
empty
Avatar for OfficialKierLikeUs
3 years ago
Topics: Math

Comments

Ang talino mo siguro don no? Well, marami akong achievements sa math kasi lagi naglalaro yung top ko na top one to top five sa room at yun lang ata ang matinong sub ko pero mahirap siya ngayon kasi walang nagtuturo hehe

$ 0.00
3 years ago

Hahaha nakakarelate ako dun sa sumama sa matalino ahhaha. Kaya lang di ako sumama sa matalino eh kaya ayun , sumemplang HAHAAH. Ewan ko ba di ko talaga trip ang Math. Depende nlng siguro sa way ng pagtuturo ng teacher 🤗

$ 0.00
3 years ago

Haha tama to! Lalo na yung sumama sa matatalino 😆

$ 0.01
3 years ago

HAHAHAA tama siguro yung sinasabi ng nagulang na piliin mo ung nakakasama, diba in the bad way kapag ang kasama mo ay mga bad influence magiging bad influence, inthe oppsite naman kapag kasama mo is mababait nabait kadin ng konte HAHAHA pero d naman lahat ganun yung case. Siguro isa lang sya sa mga factor na nakaka apekto.

$ 0.00
3 years ago