My Funny Experience When I Visited Luzon Again After 6 Years In Iloilo: With A Learning Explanation.

5 37

Ano nga ba nasaisip mo kapag nababasa mo o naririnig yung "Uy, Ilongga"? May idea ka ba kung anong personality meron sila? O kahit ano? Syempre panigurado patok yung Dinagyang Festival sa iloilo kung saan dinadayo ng madaming torismo, minsan broadcast pa nga.

So ishehsare ko lahat ng aking nalalaman at ang nakakatuwang karanasan ko sa kwentong to, dahil masyado akong natatangahan sa sarili ko.

What Is Dinagyang Festival?
- https://philippines.travel/events/dinagyang-festival (Kindly click the link to know more about Dinagyang Festival.)

Ano-ano ang mga nakakatuwang bagay kapag isa kang hiligaynon? Yun ay ang salita. Oo, ang salita. Kadalasan kasi iba yung meaning ng mga tagalog words dito at madalas talaga natatawa nalang ako. Lumaki ako sa Luzon, pero lumipat kami dito dahil sa family matter at dahil narin sa mga kapatid ko.

Anim na taon nang nakalipas nagbakasyon kami ulit sa manila dahil ikakasal yung bunsong anak ni dad sa isang foreigner na galing england, syempre g2 ako nung lumipat ako dito at g8 ako nung nagbakasyon kami dun ulit. Pagdating namin sa manila syempre pahinga muna mamaya gora sa galaan, nagstay kami sa isang hotel na diko manlang maalala kung saan. Basta puro foreigner rin yung nasahotel nayun saka may reception sa kasal.

So eto nanga, kasama ko yung pamangkin kong babae which is ung anak ng bunsong anak ni dad gumala, ilongga rin siya kaya no worries ako. Habang gumagala kami napadaan kami kung saan madaming kalapati mismo sa paligid pero di ko maalala ung lugar.

"Uy ang daming pating!" biglang sambit ko, naramdaman ko nalang na medyo tumahimik yung paligid ko dahil nga sa sinabi ko na di ko naman agad narealize.

(A/N: Pating means kalapati, nung unang dating ko rin sa iloilo 6 years ago akala ko yung tinutukoy nilang pating eh yung higanting isda na shark kung tawagin.)

Nung naramdaman kong tumahimik paligid ko isinawalang bahala ko muna kasi akala ko wala lang yun, ang lakas pamandin ng boses ko pagkasabi ko ng "Pating.", yung kasama ko masyadong naawkwardan di ko alam kung bakit, maya-maya may narinig nalang akong nagtatawanan tapos sabi nung lalake "Pating daw".

Narealize ko naman iguro pero baka late lang HAHAHAHA. That time nagilongga na ako, "Ano ni man nagsala lang kag". sabi ko, tumawa nalang yung kasama ko saka nag yayang umuwi dahil pat siya ay nahiya narin daw.

Translation: Tagalog - Ilonggo

Ni- Ba
Man- yan
Nagsala- Nagkamali
Kag- Naman

So balik, eto pa. Kinabukasan naguusap kami ng pamangkin ko para dalawin yung kababata namin sa laspinas, so syempre nakasakay na kami diba papunta dun. Nung malapit na kami sa bababaan namin nagaaway kami kasi di naman alam tagalog ng Bangga or Binit. Nung sobrang lapit na sumigaw ako ng "Manong bangga!", kesa na gentle ung pagpreno ng jeep biglang napapreno si kuya driver sabay tanong ,"Saan? Sinong nabangga?", so ako naman medyo napahiya tas sabi ko "Bababa lang po kami." then nagtawanan pa yung ibang pasahero.

Naalala ko nung bumili ako, dahil nga sa medyo matagal na ako sa Iloio yung ibang term sa tagalog dikona naaalala. Instead of saying 'Pabili, yung nasabili ko ay "Pabakal". Eto naman si ateng tinderang mabait, sinagot ako ng, "Hindi kami nagtitinda ng bakal dito."


EKSPLENASYON

(Paniguradong may mga ilongga din dito, kaway sainyo.)

So ano nga ba yung Bangga O Binit? Yung salitang Bangga ay ginagamit kapag bababa ka sa tabi, like "Manong, bangga lang", or "Manong tabi lang po". Yung Binit naman ay ginagamit kapag kailangan mong gumilid, or may ipapagilid ka.

Example:

Pabinit danay kay maagi ko or, Tabi muna dadaan ako.
Sa binit kalang basi makasalapay ka or, Sa gilid ka lang baka may matamaan ka.

Yung bakal ginagamit kapag may bibilhin ka or bibili ka.


Sa karagtagang impormasyon, may pagkakaiba ang salita ng mga ilonggo sa kinaray-a, yung salitang ginagamit ko is kinaray-a per marunong rin ako magilonggo. Sana sa article na to ay may natutunan kayo. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik!

Date Publish: 6/25/21
Originally Made By: OfficialGamboaLikeUs

5
$ 0.98
$ 0.95 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @mommykim
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Ano kaya feeling nung nakasakay niyo sa jeep tapos sinabi mong "Manong bangga"? Kung ako siguro magpapanic at hahawak sa upuan na parang nandun nakasalalay ang buhay ko....lol

$ 0.05
3 years ago

HAAHAHAH nakakahiya yun te, parang mapapatanong ako sa sarili ko kung bakit diko naalala yung tagalog nya HAHAHAHAAH

$ 0.00
3 years ago

hahahahahaha oo nga naman

$ 0.00
3 years ago