"Ang pag Usbong ng Karibal ng Axie Infinity"

7 50

Karamihan sa ating mga Pilipino ay na enganyo na o napamahal sa mga larong "NFT games". Ang mga Nft games katulad ng Axie infinity ay nangunguna na sa industriya ng investing at Gaming. Sa pag dami ng tumatangkilik dito, nadagdagan din ang total na bilang ng mga perang naiinvest dito. Habang patagal ng patagal at padami ng padami ang naglalaro, ang bawat item sa game at currency ay tumataas o lumalago. Ngunit hindi lahat ng NFT games ay may magandang potential sa hinaharap. Kinakailangan pa ng mabusising obserbasyon, pagaanalisa, kalkulasyon at prediksyon para masabing magiging successful ito. Ang Cryptocurrency ay volatile kaya hindi natin masasabi na may fix value ang isang currency.

Maraming mga Pilipino na ang naghahangad na maging scholar at makahanap ng manager sa larong ito,Kung kaya ay mas nagiging mabilis ang paglago ng Community. Dahil sa paglago ng komunidad, nagkakaroon ng tinatawag nating hype na nagdudulot naman ng mabilis na pagtaas ng presyo ng currency.

Para naman sa mga investor at scholar ng Axie, magandang balita para sa kanila ang pag angat ng rate ng slp ( currency ng larong Axie). Sa kabilang banda naman, nahihirapan ang iba na mag invest sapagkat kakailanganin nila ng malaking pera o puhunan upang makapag umpisa sa laro at makapag earn.

Nagkaroon ng panibagong pag-asa ang mga Pilipinong kapos-palad upang makahabol nga sa nauusong play to earn games. Nailaunch na nga ang game na " My Defi Pets". Ito ay isang NFT game na kagaya din ng Axie infinity ngunit ang gameplay nito ay maihahalintulad sa mga larong Non-play to earn games like Dragon City, Farm Ville, Clash of Clans at iba pa. Ang Defi Pets ay nailaunched ng isang decentralized blockchain platform sa Vietnam at South East Asia na tinatawag na KardiaChain noong May 2021. Sa ngayon nagkaroon ng update sa game at naging kapartner nadin nila ang Binance Smart Chain. Nakitaan din ng karamihan ng malaking potensyal ang larong ito kung kaya ay tinatangkilik ito kahit kakarelease pa lamang. Hindi na nga nakakapag taka sapagkat nagtutulangan ang buong community nito na mapalago ang nainvest ng bawat isa. Mula sa players, Social media at pati nadin sa mga streamers ay pinopromote ang game upang marami ang makaalam. Hindi naman nabigo ang commumity kaya naman humakot ang Defi Pets ng napakaraming investment galing sa mga napakaraming new comers sa game. Nakakabilib din itong game na ito dahil nakapasok sa top 3 ang Defi pets sa Binance at popular na price tracking site na Coingecko.

Dahil nga sa early game pa ito, low price ang currency nila kaya marami ang iinvest kahit wala pang play to earn system. Ayon sa gumawa ng My Defi Pets, may balak silang lagyan ito ng Play to Earn system kagaya na nga lamang ng PvP, Marketplace, Staking, Mission or Quest at iba pa.

Narito sa baba ang roadmap ng My Defi Pets.

Old ROADMAP before the Maintenance in July:

New ROADMAP after the Maintenance in july:

"Invest at Your Own Risk! " hindi lahat ng NFT games ay mag susustain ng napakatagal na panahon, tandaan na napakalayo na ng narating ng gaming industry kesa sa NFT games kung kaya ay marami pang maiimprove in terms of physics, gameplay, graphics at iba pa. Maaring ang mga larong ito ay stepping stone pa lamang para sa simula ng Industriya ng NFT games. But still its worth it na mag invest sa game at magkaroon ng profit bago paman mangyari ang pagkalaos.

My Defi Pet is the people's choice of NFT industry. Maaring itong pumangalawa sa Axie or mahigitan ito. Affordable ito as of now and malaki ang chance na mag boom in the near future.

Remember, You must learn basics and fundamentals of the crypto. The game is easy and basic but the system is not. So Invest wisely!.

Sponsors of OfficialDesepedaLikeUs
empty
empty
empty

6
$ 0.15
$ 0.10 from @immaryandmerry
$ 0.03 from @kingofreview
$ 0.02 from @Pisces-jr15
Sponsors of OfficialDesepedaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

This is kind of informative, at least for me, who doesn't have any idea how those games works. Basta pag nagtitingin ako stories sa facebook panay axie ay yawa haha. ang dami nanghihikayat sakin mag invest pero ayon, kailangan talag pag isipan ng mabuti e panay palpak pa naman hulalysis ko. lol

$ 0.00
3 years ago

Thank You po🤩🤩 This is my first time to make an article po eh pasensya na king d appropriate HAHAHAH salamat! 💜And btw pwese poba kita maginh friend wala papo kasi akong kakilala dito.

$ 0.00
3 years ago

opo pwede po. naiadd na nga po kita sa aming gc po e. ayon instant 100 friends nakuha mo odiba.

and there is no such thing as inappropriate topic in here unless it is something offensive or prohibited. feel free to write anything that you can share to us. :)

$ 0.00
3 years ago

I agree.. Para lang itong game currency but with potential value. Medyo bago pa kasi siya at risky. Kahit na risky investor ako, di pa rin ako mag iinvest kasi nga nasa-hype stage pa siya. May bubble pa kasi akong hinahanap at kapag na POP na yung bubble, doon na ako mag iinvest <3 <3

$ 0.00
3 years ago

Nag invest ako 1500 di naman malaking lost sakin yun kapag nalugi, talagang invest at my own risk lang talaga. Tsaka nakakaproud kasi kapag natututo ako ng mga business, mag fail man okay lang kasi dahil natuto naman :>

$ 0.00
3 years ago

Mga bata pa naman kaya okay lang if risky AHAHAHHAHHAAHHA mababawi pa naman ang pera.

$ 0.00
3 years ago

Pasensya na guys kung d ako magaling or may ilan na mali🤧😖. Unang beses ko palang po kasi ito na ginawang article.

$ 0.00
3 years ago