Ikaw ba ay may bisyo? Tingin mo nakabubuti ito sayo? Hanggang kialan ka magpapakasaya sa paglustay ng pera mo sa mga walang silbing sigarilyo na yan?!Katorse ka nang una kang manigarilyo. Sabi mo kasi nakakaginhawa sa pakiramdam kapag nakakasinghot ka, sa lahat ng ginagawa mo kasama mo yang yosi. Mula paggising sa umaga, kasabay ng kape ay yosi, pag break time yosi, pagkatapos kumain magyoyosi, hanggang sa pagbabawas may yosi, at bago matulog hitit muna kasi hindi ka dalawin ng antok. Lahat ng sobra ay bawal. Ok lang kung paisa-isa ngunit kung kulang na ang isang kaha, chain smoker kana, nagsusunog ka ng pera. Kahit noong nagmahal, sige pa rin, dalangin ko tuloy dagdagan pa lalo ang tax ng sigarilyo. Kailan ka titigil, kapag sunog na baga mo, kapag panay na ubo mo dahil sa tuberkolosis o kapag may nagkasakit sa mga kasama mo sa bahay dahil sa kalalanghap ng usok. Trenta kana, ngunit mukha ka ng kuwarenta, sana maisip mong magbago para sa ikabubuti mo at bago pa mahuli ang lahat.
0
33