Tatlo agad

0 14
Avatar for Nylydal
4 years ago

Hindi naman natin kagustuhan na may pandemic ngayon. Karamihan sa mga kababayan natin ay nangibang bansa upang kumita ng mas malaki, yung iba piniling magtrabaho sa Manila o kahit saang parte ng pilipinas na mas malaki ang sahod. Gusto lang naman nilang guminhawa kahit kaunti lang, ang kapalit malayo sa pamilya. Ang masakit, malayo na nga sa pamilya inabutan pa ng lockdown sa mga siyudad kung saan sila nagtatrabaho, walang ayuda walang makain. Kaya nagdesisyon ang local na pamahalaan na magbalik probinsya. Natuwa ang mga nastranded dahil makakauwi na sila.Ngayon nga marami na silang nakabalik sa kanilang probinsya kapalit non ang paglobo ng may covid positive kasama na ang lugar namin. Tatlo agad ang nagpositibo, dalawa dito ay galing sa Quezon city. Sinisisi tuloy ang programang balik probinsya ng pamahalaan. Totoo naman na dahil sa mga galing Manila kumalat pa lalo ang virus. Ngunit ang tanong, hahayaan lang ba natin ang ating kapwa Pilipino sa mga lugar kung saan sila nastranded kahit wala silang makain, wala ng pambayad ng upa dahil walang trabaho, hayaang lang ba na mamatay na lang sila sa gutom, hayaan na lang ba na magmukha silang kawawa sa lugar na wala silang mahingan ng tulong?Malamang hindi maatim ng gobyerno na pabayaan sila dahil Pilipino parin sila may covid man o wala. Ang maaari na lang nating gawin ay mag-ingat, magdasal na sana matapos na itong pandemic o kaya masanay na tayo sa new normal kung saan may physical distancing at ugaliing magfacemask. Ingat po sa lahat.

4
$ 0.00

Comments