Spartan

0 36
Avatar for Nylydal
4 years ago

Alam niyo ba na sila ang pinakamahusay na mandirigma sa buong mundo noong unang panahon? Paano nga ba sila magsanay upang maging malakas at maging matatag sa mga labanan? Kadalasan ang mga bagong silang na sanggol, ang pinakaiingatan natin, kung mahina sila ay ipinapagamot. Sa mga Spartan walang silbi ang mahihina. Ang sanggol kahit bagong panganak yan kung makikita nilang mukhang mahina at may diperensya sila ay ipinapatapon sa paanan ng mga bukdok upang doon mamatay. Ang layunin kasi nila malakas na hukbong militar upang maprotektahan ang kanilang pamayanan. Sobrang brutal ng kanilang pamamalakad yun ay upang maipagtanggol nila sa mananakop ang kanilang lungsod. Kapag ang mga sanggol ay malakas pagkasilang sila ay hinahayaan munang tumira at maglaro sa kanilang bahay ngunit pagsapit ng ikapitong taong gulang ng bata kinakailangan na niyang magsanay na maging sundalo. Napakahaba ng kanilang pagasanay dahil sa ika-dalawampung taong gulang lang siya dadalhin sa labanan. Seven years old, dapat naglalaro pa yan! Pero dahil sa kasanayang iyon naging tanyag naman silang mandirigma. Subukan niyong panoorin yung 300 movie(not sure kung yun mismo yung title)Si King Leonidas ng Sparta.Nairelate ko lang kasi sila yung mga Spartans.

4
$ 0.00

Comments