Sparta

0 23
Avatar for Nylydal
4 years ago

Ang Sparta ay isang pamayanan ng mga mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.Dito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pagsakop sa mga karatig na lupang sakahan. Ang mga magsasaka sa mga nasakop na lugar ay dinala sa Sparta upang maging mga HELOT o tagasaka sa malalawak nilang lupain,sila ay naging alipin ng mga Spartan. Maraming pagkakataon na nag-alsa ang mga Helot laban sa mga Spartan ngunit ni isa ay walang nagtagumpay. Dahil sa palagiang pag-aalsa, nagdesisyon ang mga Spartan na lalong palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging handa sa pag-aalsa ng mga Helot. Ang pangunahing mithiin ng lungsod ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri, kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol, ito ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Ang mga malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kanilang mga bahay hanggang sumapit ang ikapitong taong gulang nila. Kapag pitong taong gulang na ang bata sila ay dinadala sa kampo militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyong militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban at katapatan ang ilan sa layunin ng pagsasanay. Pagsapit ng ika-dalawampung taon, sila ay ipinapadala sa mga hangganan ng labanan. Sa ika-tatlumpung taong gulang, sila ay inaasahang mag-asawa na ngunit sa kampo parin maninirahan. Maari na silang magretiro sa edad na animnapu. Ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan, sila ay nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo.

Ang Sparta ang pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Tinatawag na PHALANX ang estratihiya ng mga hukbo sa pakikipaglaban ng sama sama sa pagkakatayo paurong man o pasulong, karaniwang binubuo ng hanggang labing-anim na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang unang hanay, ito ay mabilis na papalitan ng susunod na hanay. LACONIC ang tawag sa maikling pagasasalita ng mga Spartan.

1
$ 0.00
Avatar for Nylydal
4 years ago

Comments