Solusyon para sa Magsasaka

0 123
Avatar for Nylydal
4 years ago

Kamakailan lang sobrang bumaba ang presyo ng gulay dito sa Cagayan Valley sa kadahilanang maraming magsasaka ang nagtanim at nag-ani ng magkakaparehong produkto kaya masyadong maraming gulay sa merkado dagdag pa dito ang walang maayos na daan para mas maayos at diretso na ang produkto sa mamimili. Sa ganitong sistema laging lugi ang mga magsasaka dahil sa mga middlemen na siyang may kakayahan at behikulo upang makapag-angkat ng mga paninda mula sa mga bukid. May artikulo akong nakita na sinulat ng isang gobernador na nagsusulong upang mapadali ang paggawa ng farm to market road para sa mga liblib pang pook upang mapadali ang pagbenta ng mga produkto.Mula sa artikulong sinulat ni Gobernador Dax Cua na pinamagatang "Libingan Ng Mga Pangarap ng Ating Magsasaka" Sinabi niya dito ang mga hakbang na nais niyang ipatupad.

Ito ang mga sumusunod:

1. Pagkakaroon ng pagkakautangang mababa ang interes.

2. Gumawa ng paraan upang hindi na kailangan dumaan pa sa maraming middlemen ang produkto ng mga magsasaka.

3. Gumawa ng mga datos upang magkaroon ng market matching na gagabay sa mga magsasaka upang maiwasan ang overproduction at tumaas ang kanilang kita.

4. Pagtatag ng storage at processing facilities na malapit sa mga bukirin.

5. Magpatayo ng irrigation facilities para sa mga high value crops.

6. Mag-assign ng agricultural technicians upang turuan ang mga magsasaka sa mga makabagong paraan ng farming at iba pa.

7. Mag-organisa at bigyan ng kakayahan ang mga farmer cooperatives na magsimula at lumaki.

Napakagandang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na magsasaka at sana maipatupad kaagad. Kayang talunin ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasakang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagkakaisa.

#mabuhaymagsasakangpilipino

1
$ 0.00

Comments