Sinungaling

9 33
Avatar for Nylydal
3 years ago

Dear Um U Tang,

Kumusta na yung hiniram mo?Sana hindi mo pa nakalilimutan dahil hindi ako nakalilimot. Naiintindihan kong marami kang pinagkakagastusan ngunit ganoon din ako. Hinihintay kita kahapon dahil sabi mo magbabayad ka pagkatanggap mo ng padala ng asawa mo na nasa Saudi ngunit dumulim na ang kalangitan wala ka pa rin. Hindi porket ipinahiram ko sayo yung pera ibig sabihin mayaman ako, nagkataon lang na mas kailangan mo noon kaya ko ibinigay. Huwag mong kalilimutang ibalik. Nandito lang ako naghihintay.

Nagpapaalala,

Man Ini Ngil

5
$ 0.00

Comments

Nice article and very interesting

$ 0.00
3 years ago

thanks at nagustuhan mo😊

$ 0.00
3 years ago

Nakakatuwa pero madaming ganyan.

$ 0.00
3 years ago

oo nga e. ok lang kapag nangailangan siya ulit magdadalawang isip na muna bago siya pahiraman, wala siyang word of honor😩

$ 0.00
3 years ago

oo nga po, sana lang huwag na silang magsabi ng araw kung kailan magbibigay para hindi na kami umasa

$ 0.00
3 years ago

Haha,,,nakakatuwa pero nakakatama! Maraming mga ganyan ngayon at ang hirap pa dahil nung umutang pa ay lapit ng lapit sayo para makautang at pagkàtapos mangutang pati anino di mo na mahagilap kasi iwas na ng iwas...👍👍👍

$ 0.00
3 years ago

oo nga kahapon lang nagpabirthday ng bongga, wala man lang akong invites he he. hindi na talaga namamansin😢

$ 0.00
3 years ago