Pag-ibig na ba?

0 12

Tunay ngang nakatatawa,Ang aking nadarama, Tuwing ikaw ay aking nakikita, Pakiramdam ko'y tila ba lumulutang na.

Mahirap talagang ipaliwanag,Pag-ibig na ba itong tinatawag, Sapagkat tingin mo pa lang para na akong nililipad, Pataas sa mga ulap.

Masaya ang bawat araw, kung ikaw ay natatanaw, Ngiti mo'y nakakatunaw, Ikaw ang unang sa puso'y nakapukaw.

Sana mapansin ang aking pagtingin, Nais kitang makapiling at mapasakin, Kahit hindi man ngayon, Hinihiling ko pagdating ng tamang panahon.

3
$ 0.00

Comments