Nagtatrabaho tayo upang kumita para sa ating pamilya. Kahit anong klaseng pagkakitaan pinapasok yan, ang mahalaga ito ay malinis. Karamihan nga nag-aabroad na para mas malaki ang kita, mas maganda ang maibibigay na buhay sa mahal na pamilya. May kamag-anak ako, silang magasawa nangibang bansa para mas mabilis ang pag-iipon nila sa kadahilanang malapit na silang magpakolehiyo. May mga sakahan sila ngunit mas pinili nilang makipagsapalaran sa ibang bayan. Sa kagustuhang makaipon ng mas malaki, nahiligan nilang sumali sa mga pyramiding, malaki nga ang kita sabi nila kasi sa sandaling panahon na pagtatrabaho abroad marami na silang naipundar. Kasama na doon yung kita nila sa pyramid. Naging maayos ang payout, on schedule parati kaya nahikayat pa silang maginvest sa iba. Mas maraming sasalihan, mas malaki ang kita. Nitong huli nilang pagsali,malaki ang perang nailabas nila kasi yung maximum package ang kinuha nila, nagkakahalaga yun ng 120 thousand kasama dun ang mga products na ibebenta nila, ang kailangan lang nilang gawin ay maginvite ng sasali at madadagdagan pa yung kikitain nila dahil sa pairing. Ayun di invite dito, invite doon ang ginawa nila, benta dito benta doon, panay din post nila upang makahikayat ng sasali. Nakita ng kapatid ko yung post niya sa social media kaya nagcomment siya ng how, kasi sino ba naman ang hindi mahihikayat, malaki kita at home based pa. Bago pa makapagreply si ate, nagresearch na kapatid ko kung legit ba yung site at nakita niya na banned na pala sila. Tapos nakita nung kapatid ni ate na nagcomment ang kapatid ko kaya tumawag agad ito at sinabing huwag siyang sasali sa site na yun kasi scam yun, dati na pa lang nagexist yun pinalitan lang ang pangalan pero same gawain. Huwag kang maniwala hindi ka makakapayout diyan sabi niya kasi yung mga products nila illegal, ang gagawin lang maginvite upang mabawi nila yung ipinuhunan nila. Ang masaklap pa alam ni ate na nascam na siya ngunit patuloy pa rin siyang nanghihikayat ng sasali upang mabawi yung pera nila. Nakakalungkot na kahit kamag-anak mo kaya kang lokohin dahil lang sa pera. Kaya mag-ingat po tayo sa mga scammer kapag too good to be true, malamang scam yan,research ka muna dahil walang madaling trabaho, ang pera pinaghihirapan yan. Nakakalungkot lang na yung perang pinaghirapan ni ate na scam lang.😢😦😩
0
7