Nakakangalay, masakit sa likod, namamaltos sa kamay, tagaktak ang pawis buong katawan at higit sa lahat nakakapagod. Ilan lang yan sa maaari mong maramdaman kung magtatanim ka. Kaninang umaga, may nagbenta kasi ng mga napatubo ng binhi ng gulay, ako naman sa kagustuhan kong makakain ng libreng gulay later naisipan kong bumili ng talong, kamatis at sili parang kumpleto na ang pakbet. May mga tanim na kaming iba, malapit nang mamulaklak yung patola at kalabasa namin, may ampalaya na rin, halos mapuno na bakuran namin. Ayon na nga napadami yung binili ko,tig bente piraso. Sakto namang umulan kagabi kaya perpektong magtanim ng gulay kanina. Mga alas siyete y medya ako nagumpisa, natapos ako mag-aalas diyes na. Pagod much ang Lola niyo. Kinailangan kong uminom ng energy drink para lumakas kasi oras na naman ng pagluluto. Hay! napakahirap magtanim at mag-aruga ng gulay kaya nalulungkot ako kung sobrang mura yung mga produkto ng mga magsasaka, sa sobrang tagal ng paghihintay nila para makabenta, kadalasan mura na binabarat pa. Huwag ganon! Ramdam ko hanggang ngayon medyo masakit pa yung likod ko sa tagal kong nakaupo kanina tapos namaltos pa palad ko sa paghuhukay ng pagtatamnan. Sana mabuhay silang lahat! Huwag kayong nambabarat ng Maggugulay mahirap MAGTANIM😂
0
14