Magbayad ka kasi!!

0 9

Noong November 2019, marami kaming aning palay, dahil sa halos dalawang buwan na puro ulan hindi namin siya naibilad ng mabuti, nastock sa maliit naming bodega sa paghihintay ng magandang sikat ng araw upang maidry at mebenta. March na nagkaroon ng magandang panahon at sa wakas naidry na ang palay. Nagkataon naman na sobrang mura ang bili ng traders sa palay dahil sa tarrification law ni Madam Villar kaya naisipan naming ipakiskis at ibentang bigas na lang. Nagkataon naman na nagkacovid at nalockdown. Kasama ang probinsiya namin sa nalockdown, magkaganon man nagpost pa rin ako sa isang social media na nagbebenta kami ng bigas, Ayon boom ang bilis nabenta, ngunit nag message ka ate sabi mo baka pwedeng makautang ng bigas bayaran mo sa katapusan dahil hindi pa dumadating ang padala galing Hongkong. Sabi ko "sure ate, walang problema pick up niyo na lang dito sa bahay" may emoji pa yung smiley. Ayos naman ang benta namin paubos na nga e. Nagbayad ka naman sa oras ,thankful kami dahil nandiyan kayo para kahit papano mabenta yung mga bigas dahil kung walang bibili mga 3 years naming kakainin yon. Hala ayan paubos na ang stock...dahil sa mga higit dalawang linggo na kaming nagtitinda, ang dami nang bumibili dahil sa mura na masarap pa. Nasa GCQ na ang barangay namin,medyo natigil ang mga trabaho,hindi makalabas ang mga tao. Ang dami nang nagpupunta dito sa bahay para umutang ng bigas, isa kana doon ate..ayan panay na naman ang chat at text mo sakin. Siyempre binigyan kita, ang bayad sabi mo sa unang linggo ng May, April noong binigay ko sayo yun, actually madami kayo lahat magbabayad nang May. So antay antay naman kami, yung iba nagtetext o kaya sinasadya kami kung hindi nila maibibigay ang bayad nila. Ikaw naman ate kakaiba ka, ni ha ni ho ang style mo..Ikaw na lang hindi nakakabayad, kasi June na oh! Wala ka man lang pasabi kung kelan mo ibibigay, dinadaan daanan mo lang kami. Bili ka ng bili sa tindahan sa harap namin, pagkalalaking plastic ang grocery mo, may bago pang bike ang anak mo, bagong rebond pa buhok mo, mayat maya ang pabili mo na one point five na coke. Magtext ka man lang ate, no pansin ka na talaga..namimis ko na mga chat mo...araw araw akong naghihintay na sabihin mo pasensiya ka muna me wala pa akong pambayad, ke unahin ko muna ang magpaganda .!! Hay ang hirap talaga maningil, sabi nga nong nabasa ko,"hindi ka makatulog dahil sa utang mo, pwes sabihin mo dun sa pinagkakautangan mo na hindi ka makakabayad para siya naman ang hindi makatulog"!!! Saklaf beshπŸ˜‚πŸ˜‘πŸ˜ πŸ˜‘

1
$ 0.00

Comments