Hay! naku! Kung ayaw mong mamoroblema te simplehan mo lang mamuhay, huwag mong gayahin yang mga prends mong pasosyal, buti sana kung di galing sa utang. Ika-nga "kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot", hindi yung may gusto kang bilhin , bibilhin mo na kahit hindi mo naman kailangan kasi feeling mo mapag-iiwanan na kung wala ka ng bagay na yon, ehh meron sa kapitbahay mo, naman te yang kapitbahay mo seaman asawa niyan, nasa abroad pa tatay at nanay niyan ibig sabihin marami silang pera, kahit hindi nila kailangan nabibili nila kasi nga te maykaya sila sa buhay. Hay! noong isang araw nakita kita bagong rebond ang buhok mo, nalaman ko lang kahapon yung pinangparebond mo utang mo pa yung 500!Te naman kung ibinili mo pa ng bigas yun laman tiyan din yun. Hindi naman masama magpaganda basta may sobra sa budget. Eto pa te, ke aga aga nakaligo kana tapos pamotor motor na lang, kita ko te yung mga anak mo hindi pa nag-aalmusal at nanlilimahid na, ate alas-diyes na ng umaga! umuwi kana! Kahit naman sana gaano kahirap ang buhay basta alam mo yung mga responsibilidad mo bilang isang ina, ok na yun. Hindi naman mahalaga ang materyal na bagay, ang importante nakakaraos sa araw-araw. Simplehan mo lang, huwag ka ka ng mainggit te para hindi na magkapatongpatong utang mo mabili lang mga gusto mo😢😑😦
0
3