Happy birthday and Happy Father's day

1 2

Asawa ko,

Magandang araw para sa iyong kaarawan at maligayang araw ng mga tatay.

Malayo ka man sa amin nais kong iparating sayo ang aming pagmamahal at dumadalangin kami na sana nasa maayos kang kalagayan parati. Kahit hindi mo nasusubaybayan ang paglaki ng anak natin , nanunumpa ako na hinding hindi ko siya pababayaan. Lagi ko siyang uunahin kasabay ng mga gawaing bahay. Sobrang kulit niya halos wala akong magawa, buti na lang laging nandiyan si YouTube at Nick Jr para malibang siya at makalimutan niya ako kahit saglit lang☺😊 Ayun ayaw pa rin niyang kumain ng gulay, puro siya sabaw at gatas, hay kailan kaya tayo gagraduate sa pagpapagatas? Si tatay naman daig pa anak natin sa kakulitan, tanim ng tanim ng mga gulay, malapit ng mapuno bakuran natin, nagpapasalamat naman ako dahil pag namunga mga yan hindi na kami bibili ng gulay yehey! bawas gastos! Anyway huwag kang mag-alala sa amin kahit paano nakakaraos kami, marami pa namang imbak na palay hindi kami mauubusan ng pagkain. Ok lang kami ng anak natin, akong bahala sa kanya. Alagaan mo sarili mo, huwag kang magpapabaya magmask kapag lalabas at kakain ka ng masustansiya.

Hanggang dito na lang,muli happy birthday at happy father's day, mahal na mahal ka namin. Ingat ka lagi.

Nagmamahal,

Asawa mo😍. 😘😘

1
$ 0.00

Comments

Good one

$ 0.00
User's avatar Win
3 years ago