Ang hangganan ng Greece sa hilaga ay ang Balkan Peninsula, sa kanluran ay ang Karagatang Ionian, sa silangan ay Karagatang Aegean at sa timog ay Dagat Mediterranean. Ang mabababang bundok na nakakalat sa kabuuan ng pulo ang nagsilbing panangga sa mga nananakop ng mga dayuhan at nagbigay din ito ng mga lambak sa pagitan ng mga bundok na nagsisilbing taniman ng nga ubas at oliba.Pinakinabangang mabuti ng mga Griyego ang dagat na nakapaligid sa buong peninsula. Ang Balkan Peninsula ay matatagpuan sa pagitan Dagat Aegean sa silangan at Dagat Ionian sa kanluran. Dahil sa sitwasyong ito, itinuturing ang Gresya bilang kaunaunahang kabihasnang pandagat na naitatag sa buong mundo. Nakapagbibigay ang dagat ng pagkakataon sa mga Griyego na makapangisda at makipagkalakalan at makasalamuha rin ng mga taong may iba't-ibang kultura na nanggaling sa iba't-ibang bansa. May dalawang kabihasnan na umusbong sa Greece. Una dito ang Kabihasnang Minoan, ang kabihasnang ito ay matatagpuan sa Crete. Si haring Minos ang namumuno dito at sa kanya ibinatay ang pangalan ng kabihasnan. Ang pagkakatuklas sa sibilisasyong ito ay dahil sa arkeolohikong ingles na si Arthur Evans na nakatuklas ng isang gumuhong palasyo sa Crete. Tinatawag na Knossos ang kabisera ng Crete. Dito rin matatagpuan ang palasyo ni haring Minos na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegan. Dumami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang pinakamalaki. Ang mga pangkat ng tao na nanirahan dito ay kinabibilangan ng mga maharlika,mga mangangalakal, magsasaka at alipin. Sila ay mga masayahing tao at mahilig sa magagandang bagay at kagamitan.Sila rin ang unang nakagawa ng arena kung saan nagsasagawa ng mga labanan ng boxing. Pangalawa ay ang Kabihasnang Mycenaean, ito ay isang lungsod na matatagpuan sa timog ng Greece.Tinatawag na Aplaya ng Karagatang Aegean ang sentro ng Mycenaean. Ang kabihasnang ito ay napapaligiran ng makakapal na pader upang magsilbing pananggalang sa mga mananakop. Ngunit hindi rin nagtagal ay isang pangkat ng tao ang nagpabagsak sa Mycenaean, sila ang mga Dorian.
May mga sinaunang tao na nanirahan sa Greece una na dito ang grupo ng mga Cretans sila ang kaunaunahang nanirahan sa bansang ito, sila ang nakadebelop ng paraan ng pagsulat, paggawa ng banga at mga alahas. Ang mga Achaean naman ay tumira sa sentro at timog ng Greece. Ang mga Dorian naman ay grupo ng tao na nananakop sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo. Ang pagiisang dibdib ng mga grupo Ionians at Acolians ang naging dahilan upang mabuo ang grupo ng mga Griyego o Greeks na siyang kilala natin ngayon.
Napakaraming kontribusyon ang mga Griyego, ilan sa mga ito ang ginaganap na Olympic Games,ang palarong ito ay nagsimula noong 776 BC. Ang pinakatanyag sa lahat ay ang pagkakaroon nila ng demokratikong pamahalaan na siyang ginaya ng maraming bansa. Dahil sa pagkakaisa at pagmamahal ng mga Athenians sa kalayaan nagkaroon sila nito. Ang mga tanyag na pilosopo na sina Socrates, Plato, Aristotle at ay mga Griyego.