dugtong na buhay

2 37

Zaldy. Siya ang panganay kong kapatid. Ipinanganak siya Oktubre 10. Nakilala ko lang sa mga kwento ng nanay ko. Sabi ni nanay malakas daw na bata si kuya, nahihila nga niya yung isang sakong kamatis. Masayahin siyang bata at bibo. Isang taon at pitong buwang gulang na baby.Nakatira pa sila noon sa bahay ng Lolo malapit sa bukid, kung saan may malawak na taniman ng gulay,mais at palayan. Mayroon ding palaisdaan. Napakasimple ng buhay. Isang maaliwalas na umaga sa buwan ng Mayo, nagpapagawa ng bahay sina nanay, inalagaan ng Tita ko ang kuya. Maingay na bata, palatawa at makulit na bata si kuya. Sa oras na yun tahimik ang lahat mga huni lang ng ibon ang naririnig. Payapa ang paligid. Hindi nagtagal nagkagulo na sila dahil hindi mahanap ang kuya ko. Hinanap siya kung saan saan. Walang kamalaymalay ang magulang ko sa nangyayari. Maya maya pa napansin ang laruan niyang palutang lutang sa palaisdaan, agad na sinisid ng Tito ko at nandun nga ang kuya ko wala ng buhay. Wala ng magpapasaya sa nanay ko. Lumisan na. Nang mabatid ni nanay ang nangyari,tinakbo niya ang daan pauwi hindi niya ramdam ang mga tinik at galos dahil sa nararamaman niyang pighati. Ang panganay niya nawala ng ganun ganon lang. Ayaw niyang manisi ngunit sobrang dagok naman ang nangyari. Ilang taon ang nakalipas, humihiling na palitan ang namayapa nilang anak. Ako ay ipinanganak sa araw ng Oktubre 10, tatlong taon pagtatapos namayapa ang hindi ko nakilalang kuya.

3
$ 0.00

Comments

Napakalungkot naman po ng kwento sa kuya mo,cguro talagang hanggan dun nalang siya,at may dahilan kung bakit nangyari yun kasi naalala ko rin yung bunsong kapatid namin na lalaki namatay din siya nang biglaan nung 1½ year taon siya at parang pareho sa kapatid mo na ipinadama din samin yung kaligayahan na sobrang masayahin niya,matulungin kahit bata pa,pero feel ko po yung naramdaman na super sakit ng nanay mo,at akalin mo super mabait ni God kasi dininig ang hiling ng nanay mo at yun pareho pa talaga kayo ng birthday!!! Godbless u po🙏🙏🙏

$ 0.00
4 years ago

opo talagang dinidinig ng Diyos ang taimtim na panalangin😊yun nga lang ang ipinalit babae na.

$ 0.00
4 years ago