Siya ay anak ng kapitbahay at pinsan ko rin. Halos araw-araw nandito siya sa amin upang makipanood ng cartoons kasi wala silang cable. Natutuwa naman ako upang may kasama ang anak ko. Halos kagigising pa lang niya sa umaga diretso na siya dito, kadalasan dito na rin siya kumakain at minsan ako na ang nagpapaligo kasi hindi siya masyadong naaasikaso ng nanay niya dahil may maliit siyang business. Kanina lang mga bandang alas sais habang nanonood nakatulog siya, hinayaan ko lang ipapakuha ko na lang mamaya. Hala! Mag-aalas nuwebe na ng gabi hindi pa rin siya hinahanap. Hindi pa siya kumakain, anong oras na. Pinatawag ko sa kapatid ko ang nanay niya para sana iuwi na siya dahil matutulog na rin kami. Yung kapatid niyang sampung taong gulang ang nanundo. Sabi ko bakit ikaw,hindi mo siya kayang buhatin. Ang balak pala niya gigisingin na lang niya. Sabi ko nasaan ang Mama mo, sabi niya natutulog na Tita. What!! Ayon pinauwi ko siya sabi ko dito na lang matutulog ang kapatid niya. Awa ng Diyos mahimbing pa tulog niya. Ang ikinababahala ko lang baka magising siya at magyayang umuwi. Ako hindi ko kayang matulog na alam kong hindi pa kumakain, nalilinis at higit sa lahat wala pa sa bahay ang anak ko.
0
23