Bastardo

0 4

Masakit marinig ang salitang yan kahit na hindi sayo sinasabi. Bakit napakalupit naman ng mga tao? Bakit ginusto niya bang maisilang na walang kikilalaning ama? Inutusan ba niya ang nanay niya na magpaloko. Katawatawa ba ang kasalukuyan niyang sitwayon, walang sustento, nakukuntento na lang sa mga bagay na bigay ng kamag-anak. Natutuwa ka pa na ganon ang nangyari sa kanila. Subukan mo kayang ilagay ang sarili mo sa sitwasyon nila, ikaw din pagtawanan namin, ikaw ang mapahiya, ikaw ang kinakawawa. Tumulong ka na lang sa kapwa kaysa isa ka sa dahilan ng paghihirap nila. Magbigay ka ng pagmamahal hindi ng pag-aakusa. Walang taong perpekto, lahat nagkakamali. Tulungan natin silang bumangon at lumaban sa buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan, yang tinatawag mong bastardo, baka pagdating ng panahon kailanganin mo rin ang tulong at awa niya. Huwag mong kalimutan na bilog ang mundo. Ibahagi ang biyaya.😊

2
$ 0.00

Comments