Ang ganda niya, lagi siyang sinasabak sa mg beauty pageants. Matangkad, maputi, alon-alon, makintab at itim na itim na buhok, ang mga kilay parang ginuhit ng magaling na pintor, ilong na matangos at mga labing kasing pula ng mga rosas. Perfect diba. Mabait at magalang, minamahal ng buong angkan, laging pinapaboran dahil nga naman malambing at magalang. Nagdalagang matino at nakapag-aral. Nagkaroon ng mayamang boyfriend, hindi kagwapuhan pero galante. Mabait din at magalang.Higit sampung taong silang magjowa bago naisipang magpakasal. Bonggang kasalan sa isang kilalang hotel,lahat ng bisita accommodated ng hotel. Masaya ang kanilang pagsasama, nauna na yung lalaki sa Italy dahil dun siya nakabase, habang hinihintay maayos ang papel niya para makasunod siya sa asawa niya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pera...hanggang sa dumagdag na mga biyenan,wala ng maayos na komunikasyon, nasira ang tiwala sa isat-isa sa dami ng sumasawsaw. Ang fairytale na kwento ng pagiibigan nila naging disaster. Seven years later, nagka-anak na siya sa ibang lalaki..sa kasawiang palad may asawa na pala yung lalaki,bumagsak siyang kabit.,hindi naman sila nagtagal dahil naghiwalay rin. Ang perpektong buhay niya dati ay naging magulo, masalimuot, malungkot at kahiya hiya ngunit nagpakatatag siya dahil sa kanyang anak, buti na lang mahal siya ng lahat, may natatakbuhan siya kapag siya'y nagigipit kung sana ay naging mapagkilatis siya, sana hindi ganon ang naging kapalaran niya.
0
7
Written by
Nylydal
Nylydal
4 years ago