Ang kulit

0 1

Kaway kaway sa mga katulad kong may alagang 2 years old boy. Kung ano ang pinagbabawal ko yun ang gustong gusto niyang gawin, "huwag kang umakyat sa hagdan baka mahulog ka" lagi ko yan bilin sa kanya, malingat lang ako saglit, nasa taas na naman siya. Mula pagkain, pag-inom ng tubig, pag-ihi lahat ng ginagawa niya may sarili siyang version ng kalokohan. Minsan napapalo at nasisigawan ko na siya. Yung tipong malapit ka nang may dalaw, sobrang moody mo na tapos ayan si Kulit hindi tumitigil sa kagagalaw, takbo ng takbo, ikot ng ikot, tapos laging gustong kumain kahit kakakain lang. Kumbaga parang nagpapapansin ba. Tapos yung pasensya mo malalagot na. Wala kang ibang magawa kundi mag-inhale exhale para kumalma. Kapag naman wala akong ginagawa, nanonood o nagseselpon lang, hindi niya ako pinapansin. Matindi ang pangangailangan sakin kung busy ako sa gawaing bahay, nandiyang gusto magpakarga, iinom daw eh kakainom naman,maligo na raw eh kasasalang pa lang ng tubig, gusto niyang lumabas dahil sa manok, haissst! ang daming dahilan para magpapansin. Kahit minsan nauubos ang pasensya ko, kahit napapaiyak ko siya, ako pa rin ang lalapitan niya para maglambing, kaya kahit anong pagod ko sa maghapon hindi ako magsasawang mahalin at alagaan siya. Ang pinakapaborito kong oras ay kapag tulog na siya, ngayon sarap na tulog niya, nagchacharge na naman para may pangkulit na naman bukas. Good luck sa akin!!

3
$ 0.00

Comments