Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo (sa kabila ng pagkakatulad)

8 4864
Avatar for Nyctofiles
2 years ago

“Ang pluma ay mas makapangyarihan kaysa sa tabak.”— isang kasabihang pinatunayan ni Jose Rizal. Hindi maipagkakaila na ang dalawang nobelang isinulat ni Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay may malaking ginampanan sa pagkamit ng kasarinlan ng bansa ng mga Filipino. Dahil ang mga nobelang ito ay makatotohanang pagsasalamin ng mga karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-abusong simbahan at bulok na pamahalaan sa panahon ng Kastila, ang mga ito ay nagbukas ng diwa ng mga Pilipino sa kanilang mga karanasang pang-aapi at daan sa pagtuligsa dito. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nagsusulong ng kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kalayaan, kasarinlan at liberalismo, mapa-reporma man o rebolusyon. Ang mga likhang ito rin ni Rizal ay pumukaw ng pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Bukod sa pagkakatulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa paglalarawan ng pagtuligsa sa pang-aapi ng simbahan at pamahalaan at pagsulong ng reporma sa edukasyon sa panahon ng Kastila at pagpukaw ng mga ito sa kamalayang pambansa at diwa ng kasarinlan at kalayaan ng mga Pilipino na daan sa pagkamit ng kalayaan, marami pa itong pagkakatulad gaya ng bansang pinaglimbagan, wikang ginamit sa pagsulat, tagpuan at ilang mga tauhan, at malamang, ang may-akda. Sa kabila ng mga pagkakatulad ng dalawang akda ay mayroon din itong pagkakaiba, gaya ng dedikasyon, bilang ng kabanata, makabukuhang pabalat at syempre, pamagat. Gayunpaman, may mas malaki at mahalaga pa itong pinagkaiba.

Ang Noli Me Tangere nobelang romansa na umiikot sa bidang si Crisostomo Ibarra na umuwi sa bayan niyang San Diego matapos pitong taong nag-aral sa Europa na may baong hangaring maghatid ng pagbabago sa bayan lalo na sa pagreporma ng edukasyon ngunit marami siyang balakid at magiging kalaban. Ang tema ng nobelay ay nakatuon sa pananaw ng idealismo at optimismong bida — kahalagan ng edukasyon, liberalismo at ang pinakamahalaga, reporma. Ito ay makikita sa kagustuhan ni Ibarra na magtayo ng sekular na paaralan lalo na’t pinaniniwalaan niyang walang kalayaan kung walang liwanag. Ang akda ay may hatid na damdaming pagpapatawa, kagaanan, romansa at optimismo. Ang nobela ay sinasabing mas nakatuon sa aksyon at galaw sa banghay at mga eksana

Sa kabilang banda, ang El Filibusterismo naman ay nobelang politikal na tungkol sa bidang si Simoun, isang mang-aalahas na umuwi sa Pilipinas matapos ang 13 taon sa labas ng bansa upang iligtas ang kanyang minamahal at maghiganti sa mga Kastila. Kung ang Noli ay nagsusulong sa reporma, ito naman ay nakatuon sa rebolusyon. Ngunit, ito ay hatid lamang ng sariling interes na paghihiganti ng bida. Ang mga damdamin naman sa akda ay galit, sakit, kapaitan, at mas mabigat at malalim ang tema at pangyayari kaysa sa unang nobela. Ito naman ay mas nakatutok sa mga diskurso, usapin at diyalogong magpapaisip sa mambabasa.

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay parehong nagbigay ng daan sa pagpapaunlad ng rebolusyon. Ang dalawang akdang ito ay nagbukas ng isip ng mga Pilipino sa mga pang-aaping dinanas sa kamay ng mga Kastila at sa kamalayang kasarinlan at kalayaan sa pamamagitan ng reporma o rebolusyon man. Sa kabila ng parehong ginampanan nito at iba pang pagkakatulad, ang dalawang nobela ay maraming pinagkaiba. Ang pangunahing pagkakaiba ay Noli Me Tangere ay nobelang romansa na nakatuon sa reporma at edukasyon at ang El Filibusterismo ay politikal na nobelang mas nakatuon sa usaping rebolusyon at paghihiganti.


5
$ 2.51
$ 2.47 from @TheRandomRewarder
+ 1
Avatar for Nyctofiles
2 years ago

Comments

omg. thankusm for this, kuya! i'm incoming grade 10 and it will be a big help for me. El fili na kami and i'm excited to know and learn in this nobel. But i loved Noli talaga, i hope na makayanan ko rin ang pagkakabisado ng el fili. Anyways, it such a brief information for me. have a great day!

$ 0.02
2 years ago

Buti walang spoiler sa article HAHAHAH. Good to know na nakatulong article ko.

Thank you for reading.

$ 0.00
2 years ago

Waah, I remember we made a movie for Noli Me Tangere and a trailer for El Filibusterismo. I don't know why I became nostalgic reading this article haha.

$ 0.01
2 years ago

Naalala ko rin mga role play namin sa Noli noong grade 9 HHAHAHA. Buti Wala ng ganyan sa college HAHAH

$ 0.00
2 years ago

Haha. Nakakamiss.

$ 0.00
2 years ago

I like noli better elfili. The angst kase ni crisostomo and the his actions in elfili are kinda of.. masyadong mapusok

$ 0.01
2 years ago

Yeah, kaya hindi rin naging successful plans niya.

$ 0.00
2 years ago

Yeah and also making it too personal. I remembered reading it before and being slightly traumatized

$ 0.00
2 years ago