Manunulat lang Ako
I
Dito sa sulok ako'y nagsusulat
Sa gitna ng hamog, mata ko'y nakadilat
Ang tangi kong hawak ay ballpen na panulat
Sa isang iglap ako ay namulat
II
Ballpen at papel ang lagi kong kaharap
Pero ikaw ang inspirasyong hinahanap
Sa paggising sa realidad, mata ko'y kumisap
Di pala manunulat ang iyong hanap
III
Basketball? Di ako magaling dyan
Kaliwa naman ang mga paa ko sa sayawan
Di rin ako marunong magguitara
Di rin ako gwapo para magpapansin sa harap
[Chorus]
Oo, talagang manunulat lang ako
Pero kaya kitang mahalin ng buong puso
Promise, salita lang ang paglalaruan ko
Dahil di kayang saktan ang damdamin mo
IV
Bakit ba ikaw ang inspirasyong hinahanap?
Pero ang pagtingin ko ay di mo mahagilap
Gusto ko man basahin ito sa 'yong harap
Bakit di ko kaya, para akong na holdap
[Chorus]
V
Oo, kahit na manunulat lang ako
Pero di ko kayang saktan ang damdamin mo.
[End]
Manunulat ka, hindi manunulat lang. Good poem😊 keep it up