Tiggalay Falls

0 215
Avatar for Ningskee
3 years ago
Sponsors of Ningskee
empty
empty
empty

Ito ang Tiggalay Falls sa aming lugar madali lamang marating ng mga sasakyan sapagkat mismong pagbaba mo palang ng iyong sasakyan ay masisilayan mo na ang kanyang kagandahan. Nong isang taon kasama ko ang aking mga kaibigan na taga ibang probinsya upang ipasyal sa isa sa ipinagmamalaki ng mga taga Abra.

Para sa akin ito ay "Mini kaparkan falls" dahil mayroon din itong mini water terraces sa bandang taas ng talon tulad ng kaparkan falls sa Tineg Abra din at itoy una ko ng napuntahan. Hindi lamang iisang talon ang makikita sa tiggalay falls kundi marami pa, sa larawang ito ay isa lamang sa kanila. Kaya byahe na kayo at pasyalan ang aming lugar. Mula sa bayan nga Bangued, Abra patungo sa San Marcial, San Isidro, Abra ay 40 minutos hanggang isang oras lamang ang tatakbuhin ng inyong sasakyan upang marating ninyo ang lugar na ito o kaya depende din sa pagpapatakbo ng inyong sasakyan. Napakalinaw ng tubig at kaaya ayang maligo dito lalo't kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan.

2
$ 0.00
Sponsors of Ningskee
empty
empty
empty
Avatar for Ningskee
3 years ago

Comments