read.cash Log in

@Ningskee

Joined 24 June 2020 · 4 posts

120 KT

0 KT · 1¢ received · 0 KT given

Posts

@Ningskee

Tiggalay Falls Ito ang Tiggalay Falls sa aming lugar madali lamang marating ng mga sasakyan sapagkat mismong pagbaba mo palang ng iyong sasakyan ay masisilayan mo na ang kanyang kagandahan. Nong isang taon kasama ko ang aking mga kaibigan na taga ibang probinsya upang ipasyal sa isa sa ipinagmamalaki ng mga taga Abra. Para sa akin ito ay "Mini kaparkan falls" dahil mayroon din itong mini water terraces sa bandang taas ng talon tulad ng kaparkan falls sa Tineg Abra din at itoy una ko ng napuntahan. Hindi lamang iisang talon ang makikita sa tiggalay falls kundi marami pa, sa larawang ito ay isa lamang sa kanila. Kaya byahe na kayo at pasyalan ang aming lugar. Mula sa bayan nga Bangued, Abra patungo sa San Marcial, San Isidro, Abra ay 40 minutos hanggang isang oras lamang ang tatakbuhin ng inyong sasakyan upang marating ninyo ang lugar na ito o kaya depende din sa pagpapatakbo ng inyong sasakyan. Napakalinaw ng tubig at kaaya ayang maligo dito lalo't kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan.

+1 more

@Ningskee

Calaguas Island, tara pasyal tayo kaibigan🏝️😍 Isang simpleng pamumuhay lamang ang meron ako, ngunit punong puno ng pangarap. Isa lamang ito sa mga pinaghuhugotan ko ng lakas bukod sa aking pamilya. Mahilig akong mamasyal at gustong tuklasin ang mga itinatagong kagandahan sa mga iba't ibang parte ng Pilipinas. Isa ang Calaguas Island sa Camarines Norte, Bicol ang gusto kong puntahan dahil sa natatangi nitong ganda, kahit malayo sa aming probinsya at medyo may kamahalan ang pamasahe pinilt kong mag ipon para sa amin ng aking asawa at regalo na rin sa kanya kasi malapit na din ang birthday niya. Nagkataon din na ang aking mga kaibigan at katrabaho noon ay gusto din nilang puntahan ang nasabing Isla. Natuloy nga aming byahe kasama ko ang aking asawa at mga kaibigan. Ito ang unang pagkakataon na sumakay ako ng ruro or malaking bangka. Nasubukan ko nang sumakay sa mga bangka pero yong maliliit lamang, pero ito mahigat limampu katao ang kaya niyang isakay, nakakatakot... sa una lamang pala hehehe, sapagkat nung nasa kalagitnaan na kami ng dagat, napakaganda ng asul na tubig at napakalinaw. Naiibsan ang takot sa ganda ng karagatan lalo na nung nakikita na namin at malapit na kmi sa mismong isla, ang ganda ng tanawin. Lahat kami ay humanga. Pagdating namin sa pampang pumunta na agad ang aming tourguide sa kung saan kami pupwesto. Habang naghihintay kami ay gumala na agad sa paligid at bumili ng mga pagkaing mga ihaw-ihaw😋. Ang sarap ng mga isda, pusit, barbeque at ibang pang mga nakakatakam na pagkain😍. Nagpahinga muna kami ng kaunti bago kami nag island-hopping... diving... swimming at iba pang activities sa isla nong araw na yon. Ang kasunod na araw ganun parin... Napakasaya. Napakaganda. Isa lamang ito sa di malilimutang byahe ng buhay ko. Hanggang sa susunod na byahe ulit mga kaibigan. Maraming salamat!

+2 more

@Ningskee

Kabilang Ako sa isang tribu ng Tingguian Sa ating bansang Pilipinas napakarami ng iba't ibang uri ng mga tribu mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ako ay mula sa probinsya ng Abra, isang parte nga pinakamalayong lugar sa North Luzon. Kapag narinig nila sa mga siyudad ang salitang "Abra" tinatanong nila kung sayang lupalop ng Pilipinas ito mqkikita sapagkat napakliit lamang nito sa ating mapa. At ang iba na ang nakakaalam sa "Abra" pagkarinig palang dito ay mga mamamatay tao na ang pagkakaalan ng mga taga roon dahil naibabalita lamang ito sa telebisyon Kapag may patayang nangyayari. Bilang isang resident ng probinsyang ito masakit sa kalooban ko na marinig na kinakatakutan nila ang aming lugar at mga tao. Ngunit kung inyo lamang marinig ang aming kaugalian o kaya mismong masilayan hindi kayo magsisisi dahil taliwas sa inyong pagkakakilala sa aming lugar sapagkat itoy napakaganda, tahimik at may maraming itinatagong likas na yaman na pwedeng pasyalan at may mga tribung tinatawag na "TINGGUIAN". Kung narinig na po ninyo ang salitang Indigenous People ay dito po kami nabibilang. Ito ang sinasabi nilang mga lahi ng sinaunang katutubo. Ang Tingguian tribe ay tulad din ng Ibang tribu na may mga ipinagmamalaki at pinahahalagang mga kaugalian at mga ritwal na gawain sapagkat ito ay napakahalaga sa amin kayat hanggang ngayon ay ipagpapatuloy pa rin namin. Taon-taon ay may ipinagdiriwang din ang aming probinsya ang "Kawayan Festival" upang dito makikita ang mga ibat ibang uri ng cultura ng aming tribu tulad ng aming pananamit at ang aming katutubong sayaw na tinatawag naming "Tadek". Kahit Ako man ay nabibilang na sa mga makabagong henerasyon, upang hindi mawala ang aming na kaugalian ay ipagpapatuloy pa rin namin na ituro sa aming mga anak ang mga kaugalian na aming natutunan sa aming mga ninuno at ituturo pa sa susunod pang henerasyon. Mga kaibigan minsan subukan ninyo itong isali sa inyong listahan at pasyalan ang aming munting lugar at damhin ang pasalubong sa aming mga kaugalian.

+2 more

@Ningskee

Byaheng Kaparkan Falls (Water Terraces) Noong una kong narinig at nakita ang mga larawan ng mala paraisong lugar na ito, na kung tawagin sa tagalog ay hagdan-hagdang patubigan o kung tawagin sa ingles ay "water terraces". Sabi ko sa aking sarili na balang araw mararating din kita . Ang pagkakataon ay naaayon alinsunod sa mga pangyayari sapagkay ang lugar na ito ay miamong nasa probinaya namin ito matatagpuan. Dina ako nagdalawang isip na imungkahi sa aking mga kaibigan at sila rin ay nabighani sa kanyang kagandahan ng larawan na aking inilaan. Kami ay nagkaisa sa araw na aming gustuhing makita. At dumating nga ang araw ng aming paglalakbay, ang inakala naming madaling marating ay kabaliktaran sapagkat para sa amin ito yong pinakamahang oras na ng aming paglalakad, ang dalawang oras lamang na aming nalaman kapag ito ay balikan ay naging doble, buti nalang at umulan at naibsan ng kaunti ang aming pagod. Ngunit ang hirap at pagod ng paglalakad na aming naranasan ay napalitan ng pagkamangha dahil aming napatunayan at nasilayan ang tunay na kagandahan ng paraisong ito na nagtatago sa pinakamalayong kabundokan na kahit gaanu kahirap marating ay kay dami parin ang nagnanais na masaksihan ang tunay na yaman ng ating kalikasan. Napakabuti mo aming amang lumikha sa mundo sa paghubog mo ng aming paraiso.

+1 more