Kabilang Ako sa isang tribu ng Tingguian

0 209
Sponsors of Ningskee
empty
empty
empty

Sa ating bansang Pilipinas napakarami ng iba't ibang uri ng mga tribu mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ako ay mula sa probinsya ng Abra, isang parte nga pinakamalayong lugar sa North Luzon. Kapag narinig nila sa mga siyudad ang salitang "Abra" tinatanong nila kung sayang lupalop ng Pilipinas ito mqkikita sapagkat napakliit lamang nito sa ating mapa. At ang iba na ang nakakaalam sa "Abra" pagkarinig palang dito ay mga mamamatay tao na ang pagkakaalan ng mga taga roon dahil naibabalita lamang ito sa telebisyon Kapag may patayang nangyayari. Bilang isang resident ng probinsyang ito masakit sa kalooban ko na marinig na kinakatakutan nila ang aming lugar at mga tao. Ngunit kung inyo lamang marinig ang aming kaugalian o kaya mismong masilayan hindi kayo magsisisi dahil taliwas sa inyong pagkakakilala sa aming lugar sapagkat itoy napakaganda, tahimik at may maraming itinatagong likas na yaman na pwedeng pasyalan at may mga tribung tinatawag na "TINGGUIAN". Kung narinig na po ninyo ang salitang Indigenous People ay dito po kami nabibilang.

Tingguian costume for boy
Tingguian Costume for girls

Ito ang sinasabi nilang mga lahi ng sinaunang katutubo. Ang Tingguian tribe ay tulad din ng Ibang tribu na may mga ipinagmamalaki at pinahahalagang mga kaugalian at mga ritwal na gawain sapagkat ito ay napakahalaga sa amin kayat hanggang ngayon ay ipagpapatuloy pa rin namin. Taon-taon ay may ipinagdiriwang din ang aming probinsya ang "Kawayan Festival" upang dito makikita ang mga ibat ibang uri ng cultura ng aming tribu tulad ng aming pananamit at ang aming katutubong sayaw na tinatawag naming "Tadek".

Tadek
the intrument they used is we called "Gansa" /Gong

Kahit Ako man ay nabibilang na sa mga makabagong henerasyon, upang hindi mawala ang aming na kaugalian ay ipagpapatuloy pa rin namin na ituro sa aming mga anak ang mga kaugalian na aming natutunan sa aming mga ninuno at ituturo pa sa susunod pang henerasyon. Mga kaibigan minsan subukan ninyo itong isali sa inyong listahan at pasyalan ang aming munting lugar at damhin ang pasalubong sa aming mga kaugalian.

2
$ 0.00
Sponsors of Ningskee
empty
empty
empty

Comments