Isang simpleng pamumuhay lamang ang meron ako, ngunit punong puno ng pangarap. Isa lamang ito sa mga pinaghuhugotan ko ng lakas bukod sa aking pamilya. Mahilig akong mamasyal at gustong tuklasin ang mga itinatagong kagandahan sa mga iba't ibang parte ng Pilipinas. Isa ang Calaguas Island sa Camarines Norte, Bicol ang gusto kong puntahan dahil sa natatangi nitong ganda, kahit malayo sa aming probinsya at medyo may kamahalan ang pamasahe pinilt kong mag ipon para sa amin ng aking asawa at regalo na rin sa kanya kasi malapit na din ang birthday niya. Nagkataon din na ang aking mga kaibigan at katrabaho noon ay gusto din nilang puntahan ang nasabing Isla. Natuloy nga aming byahe kasama ko ang aking asawa at mga kaibigan. Ito ang unang pagkakataon na sumakay ako ng ruro or malaking bangka. Nasubukan ko nang sumakay sa mga bangka pero yong maliliit lamang, pero ito mahigat limampu katao ang kaya niyang isakay, nakakatakot... sa una lamang pala hehehe, sapagkat nung nasa kalagitnaan na kami ng dagat, napakaganda ng asul na tubig at napakalinaw. Naiibsan ang takot sa ganda ng karagatan lalo na nung nakikita na namin at malapit na kmi sa mismong isla, ang ganda ng tanawin. Lahat kami ay humanga. Pagdating namin sa pampang pumunta na agad ang aming tourguide sa kung saan kami pupwesto. Habang naghihintay kami ay gumala na agad sa paligid at bumili ng mga pagkaing mga ihaw-ihaw😋. Ang sarap ng mga isda, pusit, barbeque at ibang pang mga nakakatakam na pagkain😍. Nagpahinga muna kami ng kaunti bago kami nag island-hopping... diving... swimming at iba pang activities sa isla nong araw na yon.
Ang kasunod na araw ganun parin...
Napakasaya. Napakaganda. Isa lamang ito sa di malilimutang byahe ng buhay ko. Hanggang sa susunod na byahe ulit mga kaibigan. Maraming salamat!
Pwede pwede ate😍😍😍