Noong una kong narinig at nakita ang mga larawan ng mala paraisong lugar na ito, na kung tawagin sa tagalog ay hagdan-hagdang patubigan o kung tawagin sa ingles ay "water terraces". Sabi ko sa aking sarili na balang araw mararating din kita . Ang pagkakataon ay naaayon alinsunod sa mga pangyayari sapagkay ang lugar na ito ay miamong nasa probinaya namin ito matatagpuan. Dina ako nagdalawang isip na imungkahi sa aking mga kaibigan at sila rin ay nabighani sa kanyang kagandahan ng larawan na aking inilaan. Kami ay nagkaisa sa araw na aming gustuhing makita. At dumating nga ang araw ng aming paglalakbay, ang inakala naming madaling marating ay kabaliktaran sapagkat para sa amin ito yong pinakamahang oras na ng aming paglalakad, ang dalawang oras lamang na aming nalaman kapag ito ay balikan ay naging doble, buti nalang at umulan at naibsan ng kaunti ang aming pagod.
Ngunit ang hirap at pagod ng paglalakad na aming naranasan ay napalitan ng pagkamangha dahil aming napatunayan at nasilayan ang tunay na kagandahan ng paraisong ito na nagtatago sa pinakamalayong kabundokan na kahit gaanu kahirap marating ay kay dami parin ang nagnanais na masaksihan ang tunay na yaman ng ating kalikasan.
Napakabuti mo aming amang lumikha sa mundo sa paghubog mo ng aming paraiso.
Napakaganda ng Kaparkan Falls sa larawan na ito. Nais ko rin makita ang taglay na ganda nito sa personal. Marami na rin akong napasyalan na magagandang tanawin at sa susunod Kaparkan Falls ang nais kung dalawin.😊 Nakakabighani daw ang tanawin sa lugar na yan ayun sa mga nakasubok na at nakabisita. Kailan kaya ako makakpunta? Gustong-gusto ko na talaga itong makita😀