Hi spookifiers I hope this time mappost nato I will do mybest para maintindihan yung story ko actually marami na akong nashare pero hindi nappost eh

MADRE

Hi my name is Jane nakatira kame sa Davao city Actually matagal na kami dito kaso nangungupahan lang kami. Bale palipat lipat kame ng bahay na inuupahan dahil narin sa demolisasyun, kaya lumipat kami dun sa inuupahan ng katrabaho ng papa ko.

Actually malaki naman sya my second floor tapos sa baba yung kusina. may dalawang kwarto din sa may ibaba dun nakatira yung katrabaho ng papa ko tapos sa baba mo rin makikita yung cr kaharap ng cr is yung kusina. At may tatlong rebulto ng santo NiƱo sa totoo lang natatakot talaga ako sa mga rebulto ewan pero feel ko may buhay sila ni ayoko ngang titigan yun.

Sa paninirahan namin duon maayos naman wala kaming nararamdaman not untill nung nag lalaro kame ng mga kapatid kung babae sobrang ingay narin kasi namin that time. Pero natahimik kame nung nahulog yung tatlong lotion na nasa aparador namin, Yung parang sinadya syang tinapon nag katinginan kaming apat nun tas yung bunso kung kapatid natakot na kaya tumigil nalang kame sa pag lalaro at bumaba nalang para kumain narin ng tanghalian sa baba kasi kami kumakain.

Kinagabihan kinukwento namin sa papa namin nangyare tapos ang sabi nya wag daw kaming uulet kasi baka naingayan na samin yung mga ibang nakatira dun which is mga hindi katulad natin alam ni papa na minumultuhan talaga yung bahay nayun. Isang gabi habang natutulog ako binangungot ako na may isang madreng galit na galit na nakatitig sakin tas biglang sinakal nya ako gusto kung gisingin yung pangalawang kapatid ko kaso hindi ako makagalawa kaya ang ginawa ko nag dasal nalang ako ng taimtim tas binibigkas ko yung pangalan ni Papa Jesus hanggang sa tuluyan na akong nakagising, pawis na pawis tas hinahabol ko ang hininga ko tas sobrang init ng katawan ko nun.

Simula nung napanaginip ko yung madre hindi na ako matahimik dahil nga nagpapakita na sya sakin hindi lang sa panaginip pati narin sa personal. Minsan nga sa may hagdanan nakikita ko yung damit pang madre nakatalikod paakyat pero naka lutang yung mga paa nya, minsan naman sa may pintuan mismo ng kwarto namin pero pag nakikita ko sya nagdadasal nalang ako nilalakasan ko yung loob ko. Kaya sinabi ko yun kay papa tapos sabi ni papa samin dati daw na kombento yung lugar nayun kaso nilisan na kaya nerenovate nalang at ginawang paupahan ng may ari ng lupa. yung nagpapakitang Madre sakin sya yung madre na nagpakamatay dun sa isang kwarto sabi ni papa kaya pala walang tao yung kwarto nayun puro sira sirang gamit nalang, actually apat na kwarto ang sa secong floor kaya alam ng papa ko about dun sa bahay nayun dahil naikwento narin ng kasamahan nya yung about dun sa past story ng bahay nayun.

Simula nung nagpapakita sakin yung madre nilalagnat na ako gabi2 kaya minabuti nalang ng papa ko na umalis kami dun at lumipat ng ibang mauupahan dahil pati mga kapatid ko binabangungot narin at yung bunsong kapatid namin minsan umiiyak dahil nakikita nya rin yung madre pero nakabitin daw sa kisame.

Hanggang dito na muna I hope naintindigan nyo ng mabuti mag kukwento ulit ako pag napost to

-Drah17

1
$
User's avatar
@Nicay05 posted 2 years ago

Comments