Matagal pa ko •My Mysterious Life• DUWENDE.

Hi I'm Luna (not my real name, mahilig kasi ako sa buwan), bata palang po ako nakakakita na ako. So lumaki talaga akong mahilig sa mga paranormal, myths, lahat ng bagay na di pangkaraniwan. Parang karugtong na rin to ng buhay ko eh. May kwento sakin yung mama ko dati, bata palang ako palagi nya na tong kinukwento hanggang sa nagdalaga na ako.

I was 9 months old back then nung nagkasakit daw ako bigla, ubo lang naman daw yung sakit ko that time kaya akala nila lilipas lang. After ilang days ata or weeks lumubha raw yung ubo ko kaya pina check up nila ako. Ang sabi ng doctor may pneumonia raw ako, sobrang nag alala sila mama nun pati na rin grandparents ko. Kaya makalipas ng ilang araw napag desisyonan nila mama at lola na ipatingin ako sa manggagamot (faith healer).

Kinausap ng tita ni mama yung manggagamot, since pumupunta sa kanika yun tsaka para friends sila. "Manang Lita (not her real name) gusto ka raw makausap ni Anne (mama ko, but not her real name din)" Tita ni mama

"Ah. Patungkol ba sa anak nya?" Manang Lita

"Pano nyo po nalaman?" Tanong ng tita ni mama

"Kasi nung minsang napadaan ako dun nakita ko sya karga² ang anak nya habang may duwende na umaaliw sa bata" Sabi ni manang Lita na ikinagulat nila

Nung nakausap ni mama si manang Lita pinapakuha raw sya ni manang Lita ng damit na pinaghubaran ko (yung damit na nasuot na), planggana at papel. May ginawang orasyon raw si manang Lita tapos may mga kandila at kung ano ano (di ko alam yung iba since na kwento lng naman sakin to mama tsaka baby pa ako nun) tapos nilagay nya yung papel sa planggana na may tubig ng biglang may nag litawan na letra. "Kukunin namin si Luna dahil sya ang aming prinsesa" yan daw yung nakasulat, napaluha daw si mama nun. Tapos may ginawa na naman si Manang Lita na orasyon at nung natapos yun ay binigyan nya ako ng kwintas na may something na sa loob. Sabi nya pagkatapos ng tatlong araw ilalabas (e tatae daw ganun) ko daw yung pagkain na pinakain ng mga duwende sakin. So ayun nga pagkalipas ng tatlong araw nagulat sila ng may nakita silang itim sa dumi ko, eh breastfeed naman ako nung bata ako tsaka cerelac lang din pinapakain sakin nun.

Akala nila dun na nagtatapos lahat pero hindi pa pala.

-Luna 🌙

1
$
User's avatar
@Nicay05 posted 3 years ago

Comments