Buhay bukid

2 15
Avatar for Nhene32
3 years ago

Hello every one,

Magandang araw mga karead cast,my fellow writer and readers kamusta ang araw niyo,

Pinanganak ako sa isang province,ang aking nanay at tatay ay magsasaka,at nung medyo lumaki na ako at nagkaisip sumasama ako sa palayan na sinasakahan ni papa lalo na kapag anihan na ng palay kahit hindi ako papayagan ni mama kasi bata pa ako,makati at mainit dun sa palayan ,sumasama padin ako ky papa kasi gusto ko humawak ng sako para sa palay at pagkatapus ng anihan my nagtitinda ng makakain sa gilid tulad ng tinapay,ice candy at drinks para pangmeryenda,at pagkatapus ng meryenda ay naglalaro na kaming magkakapatid maghahabulan kaming magkapatid sa gitna ng palayan ang saya lang at pagtapus namin maghabulan aakyat kami ng punong kahoy at kukuha ng mga prutas,pagkatapus namin kumuha ng prutas mamumulot din kami ng mga shell para my pang ulam kinagabihan

Nung lumaki na ako ganun padin ang ginagawa ko pupunta sa palayan kapag anihan pero dina ako nag aabang ng makain kasi ako na ang nagdadala ng makain nila papa,nagluluto ako ng pagkain para dalhin dun sa palayan at ng makakain na sila papa at mama pagkatapus ng anihan manghihingi kami isa isa ng tag isang sakong palay at ibinta namin para makabili ng gusto naming bilhin na mga gamit,tuwing anihan lang kasi ng palay nakakabili kami ng bagong gamit,

At pagpumupunta kami ng bayan kailangan muna namin maglakad ng 20minuts bago makarating sa bayan kasi dati wala pang kalsada sa amin at wala pang mga motor kaya kailangan mo talaga lakarin para makapuntang bayan, pero ngayon my kalsada na at tulay meron na ding mga motors kaya kahit paanu lumuwag luwag ang pamumuhay sa bukid,at sa awa ng diyos kahit papanu nakapag aral kami at ngayon halos nasa manila kami nakatira kasi dito na kami nagkaroon ng trabaho at mga asawa salitan nalang kami ng mga kapatid ko magpadala ng pera ky mama at papa,at kahit dito sa manila magkakalayo din kaming magkakapatid kasi my kanya kanyang pamilya na,pero minsan nag uusap usap kami mag iipon ipon padin kAmi kapag hindi mga buzy at halos kada taon umuuwi kami sa province kila papa ang saya lang kapag madami kayo kahit nagkakagulo kami nagkakasundo din naman agad.

Mas masaya ang buhay province kisa dito sa manila na ang mahal ng mga bilihin at minsan hindi pa fresh ang mga gulay at isda ,di tulad sa province na lahat sariwa walang pollution fresh na fresh ang gulay fruits ikaw mismo ang kukuha sa taniman or sa puno kapag gusto mong kumain or magluto..

Buhay province simple pero ang saya sipag at tyaga lang ang kailangan mo.sa province para gumanda ang iyong buhay at ng hindi ka magutom,bawal ang tamad sa bukid

To my fellow writers at readers sana ay mapansin niyo itong aking mumunting sulat maraming salamat sa makakabasa nito, sa aking sponsor maraming salamat,

To @therandomrewarders @rusty maraming salamat!

2
$ 0.10
$ 0.09 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Jay997
Avatar for Nhene32
3 years ago

Comments

Nagtry ako mag ani sis grabi ang sakit sa likud kahit di ako pinayagan nagtry padin ako,,

$ 0.00
3 years ago

Masaya naman sa bukid dati gusto ko din pumunta doonnpero di para mag aninkundi mànguha ng kangkong at kuhol,di ako nakaranas mag ani

$ 0.00
3 years ago