Mga Hinaing ko sa buhay

5 189
Avatar for Nezuko_Kamado
3 years ago

Gusto ko lang ibahagi dito ang sakit na nararamdaman ko, hindi isang uri sakit na nararamdaman sa katawan kundi sakit sa kalooban. Matagal ko ng tinatago ang sakit na ito, sa loob ng halos pitong taon walang nakaalam tungkol sa mga naramramdaman ko. Pati ang aking pamilya ay hindi alam kung ano talaga ang nararamdaman ko dahil mas pinipili kong itago na lang ang mga saloobin ko dahil ayaw kong malaman ng iba na may pinagdadaanan ako. Kilala ako ng mga kaibigan ko na tahimik at sobrang bait, sa buong buhay ko din ay wala akong pinagsabihan tungkol sa problema ko. Mas gusto kong ako lang ang nakakaalam dahil alam kong mahuhusgahan ako ng mga tao, marahil sasabihin niyo na dapat mong ilabas yung sakit na bumabagabag sa iyo sa matagal na panahon para maging maayos na ang pakiramdam mo. Madali lang sabihin pero mahirap gawin.

Alam kong kapag sinabi ko sa iba ang problema na meron ako marahil ang iba sa kanila ay susuportahan ako ngunit alam kung may mga tao paring mas pipiliin na husgahan ako at sabihing ako ay maarte lamang. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa iba na may problema ako ay yung katotohanan na isa akong lalaki. Alam naman ng lahat na kilala ang isang lalaki bilang isang matatag na nilalang at hindi makikitaan ng problema. Sobrang nakakahiya kapag ang isang lalaking tulad ko ay magbahagi ng saloobin sa iba kaya mas nananaisin kong itago na lamang ang bigat na nararamdaman ko.

Sa buong buhay ko wala akong pinagsabihan tungkol sa buhay ko ng harap harapan, kilala nila ako bilang tahimik at mabait na tao. Simula ng makapag aral ako sa hayskul, walang nakaalam ng tungkol sa buhay ko, naalala ko noon na nagkaroon sa loob ng klase ng pagbibigay saloobin tungkol sa mga pinagdaanan sa buhay ngunit tumanggi ako, sinabi ko na lang na wala naman akong pinagdadaanan at ayos ang lahat sa buhay ko kahit na hindi.

Simula noon nakaramdam na ako ng kalungkutan, may mga dahilan kung bakit ako nalulungkot sa araw araw at mas lalong nadadagdagan ng mga kabiguan na nararanasan ko araw araw. Mula sa problema sa paaralan hanggang sa loob ng tahanan, isa isa nitong dinudurog ang kalooban ko at nagiiwan iyon ng sakit na mahirap tanggalin. Ang mga problema ay parang karayom na dahan-dahang tumutusok sa puso ko at kahit tanggalin ko ang karayom na iyon, nagiiwan parin iyon ng sugat na hindi na maghihilom.

Ang mga sugat na iyon ang nagpapakirot ng puso ko na nagiging dahilan ng paghikbi ko tuwing gabi, isang hikbi na walang ingay dahil ayaw kong marinig ng iba na umiiyak ako. Sobrang init ng pakiramdam ko sa tuwing umiiyak ako para bang nasusunog ang puso ko dahil sa sakit. Sobrang sakit ng iyak na walang tunog, mas pinipili kong ibuhos lahat ng iyak ko sa gabi upang pagkatapos ng paghikbi ay agad akong makakatulog. Pagkagising ko sa umaga ay pansamantala kong makakalimutan ang sakit at magpapatuloy sa buhay na parang hindi nangyari ang lahat.

Minsan hindi ko maiwasan na magisip ng masasamang bagay na maari kong gawin sa tuwing nakakaranas ako ng mga problema. Sa tingin ko ako ay nakakaranas ng tinatawag na stress na nagiging dahilan upang mag-isip ako ng mga bagay na maaring makasama sa akin. Minsan naiisip ko na kitilin na lang ang sarili kong buhay ngunit may boses sa loob ko na nagsasabing makakaramdam ako ng sakit kapag unti-unti kong kikitilin ang sarili kong buhay. Naisip ko rin na magpasagasa na lang sa humaharurot na sasakyan upang isipin ng lahat na isa iyong aksidente at hindi pagpapakamatay, pumasok sa isipan ko na maganda ang paraan ng ganoong pagpapakamatay sapagkat may makukuha pang pera para sa pang libing ko. Ngunit mas nanaisin ko na lang na ang panginoon na lang ang kumuha ng buhay ko, yung tipong hindi na ako magigising sa umaga upang hindi na ako makaranas ng problema dito sa mundo.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako nakakaranas ng istress ay ang problema sa aming tahanan dahil sa tuwing may problema na nangyayari sa loob ng aming tahanan, ako lagi ang sinisisi sa mga problema na hindi ko naman ginawa. Minsan tinatanggap ko na lang lahat ng masasakit na salita na pwedeng ibitaw dahil sanay naman ako, sa harap nila hindi ko ipinapakita na naapektuhan ako ngunit pagkatapos ng lahat ay pupunta ako sa loob ng kuwarto o di naman kaya sa loob ng banyo para humikbi ng walang tunog. Doon ko ibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iyon lang kasi ang paraan para ilabas ang lahat ng galit at sakit na nasa loob ko dahil wala naman akong ibang makakapitan kundi ang sarili ko.

Ilang beses na din akong naapektuhan sa mga sinasabi ng mga tao lalong lalo na sa paligid ko. Kahit na hindi nila sabihin, bakas sa mga mukha nila ang pangungutya sa katawan, itsura at pananamit na meron ako. Iyon ang naging dahilan kung bakit sobrang baba ng kumpiyansa ko sa sarili. Alam niyo ba ayaw ko sa madaming tao, nahihiya akong magpakita sa maraming tao dahil sa itsura na meron ako. Ilang beses na din akong nabigo sa pag-ibig dahil hindi ako guwapo at hindi ko kayang ibigay ang mga bagay na nais ng mga babae.

Minsan tinanong ko ang panginoon kung bakit gantong katawan ang ibinigay niya sa akin, hindi guwapo, payatot, tigyawatin at marami pang masamang bagay. Sa totoo lang naiingit ako sa ibang lalaki na pinagpala ang mukha dahil tanggap sila sa lipunan at pinapahalagahan at ang mga tulad kong hindi guwapo ay mahirap pagkatiwalaan ng lipunan. Magbibigay ako ng isang sitwasyon na totoong nangyayari sa lipunan sa pagkakaiba ng mga guwapo at hindi guwapo. Kapag ang isang guwapong lalaki ay sumipol sa dumaang babae, iisipin ng babae na ayos lang ang bagay na iyon dahil guwapo naman ngunit kapag ang isang di kaguwapuhang lalaki ang sumipol, magagalit ang isang babaeng dumaan at sisigawan itong manyakis. Ito ang isa sa mga hindi patas na pagtrato ng lipunan sa mga tao. Sobrang hindi patas ang mundong ito at nakakalungkot na nakakaranas ako ng diskriminasyon dahil sa aking itsura.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit ako nakakaranas ng istress ay dahil sa pagkamatay ng aking ate, simula ng mamatay ang ate ko sobrang bigat na ng nararamdaman ko at parang gusto ko ng sumuko. Hindi ko matanggap na wala na ang ate ko dahil siya lang ang tanging nagiging kakampi ko sa tuwing may problema ako pero ngayon nawala na siya, hindi ko na kakayanin ang lahat. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na nawala na siya, gusto kong isipin na isa lang matinding bangungot ang buhay na ito at magising ako balang araw na nakahiga sa malapad na damuhan. Lagi kong naiisip na sana ako na lang yung namatay at si ate ang nandito ngayon dahil siguradong madami siyang magagawanf mabuti para sa pamilya namin habang ako puro pasakit lamang ang dulot ko sa pamilya. Gusto ko siyang nandito sa posisyon ko at ako ang pumalit sa kanya para maranasan niya ang buhay na siguradong magiging masaya siya pero hindi na mangyayari iyon dahil wala na siya.

Lagi kong tinatanong sa panginoon kung bakit di niya pa ako kunin, hiniling ko din sa kanya na ibalik dito ang ate ko at handa akong pumalit sa posisyon niya. Sa tuwing umiiyak ako ng sobra lagi kong sinasabi sa kanya na wakasan na lang ang paghihirap ko at kunin na lang ang bjhay na meron ako dahil wala naman akong nagagawang mabuti dito sa mundo.

Sa kabila ng lahat ng problemang nararanasan ko at kinuwestiyon kjng bakit pa ako nabubuhay dito sa mundo, isang araw may ibinigay sa akin a sagot ang panginoon. Habang nasa noise.cash ako may nakilala akong isang babae na mas matindi ang pinagdadaanan kesa sa akin. Inalok ko siya ng tulong pinansiyal at may sinabi siya sa akin. Hiniling niya sa panginoon na sana may tumulong sa kanya para mabawasan ang mga problemang pinansiyal na kinakaharap ng pamilya nila at ang sabi niya ako ang ipinadala ng panginoon. Biniro ko na lang siya na akala ko nasusunog na ang kaluluwa ko sa impiyerno bakit pa ako ipapadala ng panginoon at doon napatawa na lamang siya.

Doon ko napagtanto na ang lahat pala ng ito ay may dahilan, marahil ayaw kunin ng panginoon ang buhay ko dahil nais niyang may tulungan akong mga tao. Natatandaan ko na simula bata pa ako hindi ako madamot magbigay sa iba kahit na konti na lang ang matira sa akin. Naalala ko na noong nasa daanan kami ng ate ko ang isang inumin na gusto ko ay ibinigay ko na lang sa isang batang namamalimos dahil alam kong nagugutom na ito at gusto niya ang inumin na hawak ko. Doon ko din napagtanto na may mga tao na nagmahal sa akin kahit hindi ako guwapo at may mga kaibigan akong tinanggap ako at nililibre ako sa tuwing walang wala ako.

Gusto kong magpasalamat kay @Maemaee dahil sa iyo napagtanto ko na may silbi pala ang buhay ko. Ipinapangako ko na gagawa kami ng paraan para tulungan kang mabawasan ang mga utang at bayarin na meron ka. Wag mong isipin na tinulungan kita dahil ang totoo ikaw ang tumulong sa akin para masagot lahat ng katanungan na ikinimkim ko sa matagal na panahon. Sobrang salamat, grabe naiiyak ako habang isinusulat ito, hindi ito iyak ng kalungkutan kundi iyak ng kaligayahan. Sa mga nagbasa nito maraming salamat at pinaglaanan niyo ng oras na basahin ang mga hinaing ko. Sana magsilbi itong inspirasyon sa inyo na kahit gaano kahirap ang buhay, merong dahilan ang lahat. Maraming Salamat.

2
$ 0.84
$ 0.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @EvilWillow
Avatar for Nezuko_Kamado
3 years ago

Comments

I don't know where to start.. I read your thoughts from start to end and I can relate to the pain. I pray that negative thoughts such as killing yourself shall never cross your mind again. Please savor the life that God had given you because you has success waiting for you in the future:)) I was also one of the person who thought that boys must not cry but it all changed when I saw my younger brother shed too much tears and shouted at me for telling him "Bakla" while he was crying. I know that I'm at fault and from then on, I self reflected on the stereotypes that I hold. It's okay to cry, Its not your fault that your in pain, Its the society that stubbornly defy your feelings. Please stay as the kind person you are. I am amazed that you're helping someone despite harboring your own hardship. Also, I am telling you, you are handsome:)) I'm not lying. Though it's true that you still have lots of room for improvement but time is on your side:)) Eat a healthy diet, drink lots of water (I do this because pimpolin rin ako wahaha), and if you really wanted to change, change for yourself, not for the others. Try mo maging buff ading, onting exercise para magkamuscle? I am thankful that you shared your hardships instead of bottling it up like the last 7 years. Remember that there are always someone who will support you and be there for you, may it be a friend or a stranger like me ^^ All will be well in time, mwah<33

$ 0.00
3 years ago

Halaaaaa thank youuuuu😭😭😭

$ 0.00
3 years ago

No prob ading basta rant ka lang at isusuport kita mwah HAHA

$ 0.00
3 years ago

madami pa akong irarant, next rant ko iiyak tlaga mga readers hahaha

$ 0.00
3 years ago

shur HAHAHA laban pinas <33

$ 0.00
3 years ago