Umorder ulit si bunso ng tuyong pusit at dilis at may freebies pang Piyaya or Piaya, ayon sa seller itong mga produkto ay nanggaling pa sa Masbate. Sa aking pagkakaalam ang Piyaya o piaya ay produkto na gawa at mula sa Negros at Iloilo, ang pangunahing sangkap nito ay maskobadong asukal at ang pinakakilalang gawaan ng asukal ay Negros. Ang piyáya (o piaya) ay isang pagkaing Filipino na pinipi, hugis bilog, at gawa sa matigas-tigas na tinapay na pinalamanan ng muskobadong asukal. Nakatikim na po ba kayo nito? Sori ayaw maupload po ang picture.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
., di ko po alam yan o baka iba tawag dito samin,. :D
Ganun din po ang pagkakaalam ko, from iloilo originated ang piyaya. Baka may mga brunch o kaya mga resseler sila dun sa masbate.
masarap po Ang piyaya, pag umuuwi Ang inlaws ko sa Visaya lagi may pasalubong na piyaya pag uwi.