Katatapos ko lang tanggalin ang tubig sa inflatable pool idinilig ko po ito sa mga halaman at ginamit panglinis doon sa lugar na ginawang CR ni Grey at Zorro🐕, bago ko ito ginawa syempre kumain muna si granny Nengste para may sapat na energy para gawin ito. Magandang umaga sa inyo lahat! Pasensiya na pag delayed ang aking pagreply at sa hindi nareplayan, ang mahalaga nababasa ko lahat ang inyong mensahe, salamat sa pagbabasa ng aking post kahit walang substance, ang hina ko…
@Nengste in November 2021
May naisip na po ba kayong malulutong ulam? Ako po meron na ito ginagayak ko na po hiniwa at ibinabad sa tubig na may asin para mabawasan ang pait, ang paraan na ito ay natutuhan ko sa aking sister in law na mas matanda sa akin. Gigisahin ko lang po ito sa bawang,sibuyas at kamatis saka hahaluan ng itlog. Tara magluto na tayo!
Tiyak na nakapaglunch na kayo pero kami ni bunso ngayon pa lang kakain ng lunch, ito na ang niluto kong ginisang ampalayang may itlog, nakulangan ako sa aking nasahog na kamatis at itlog ang dami palang ampalaya nagprito din ako ng dilis pang partner, na late ang lunch namin kasi busy si bunso sa kanyang work from home at ako naman ay nag snack ng biko, inuunti unti ko kain, ito yung biko noong nakaraang araw pa na binili ni bunso tapos ayaw niya namang kainin tapos.…
Hapunan: Kumain na po kami ni bunso ang ulam namin ay ang natirang ulam kaninang tanghalian na gulay, ang ginisang ampalaya kung kaninang tanghalian we paired it with tuyong dilis ngayon hapunan we paired it with tuyong fried pusit para maiba naman. Pagkatapos kumain inilabas ni bunso ito panghimagas daw namin kaya ang pakiramdam ko ay sobrang nabusog. Kumain na rin po kayo Ka-ingay!
Noong nakaraang araw aliw na aliw ako sa mga funny vlog, ngayon araw napagtuonan kong panoorin ang mga vlog about sa real story ng pamumuhay sa kapwa nating mga kapos palad, noon puro ako tawa at ngayong araw puro naman pagkahabag at pagluha pero at the end natutuwa ako dahil may mga taong naging instrumento para baguhin ang kanilang pamumuhay mga vlogger at OFW na walang sawang tumutulong sa abot ng kanilang makakaya. Tulugan time na po bukas ulet, good night!
Katatapos lang maglaba at heto ngayon ginagayak na ang lulutuing ulam para sa tanghalian. Itong gulay ay isang pangunahing gulay na isasahog ko sa aking naibigang lutuin, ang broccoli ay gulay na mayaman sa mahahalagang bitamina at mineral at antioxidants, maari itong kainin as raw salad o steam, karaniwang kinakain ito ng mga taong gustong magbawas ng timbang. Balikan ko po kayo mamaya magluluto na si granny Nengste😊
Luto na po ang dish na aking niluto at heto po nakahain na sa mesa ang Beef Broccoli, wala akong kasabay maglunch dahil busy pa si bunso kaya nauna na akong kumain. Tara sabayan niyo ako, ang dami kong ginawa kanina tiyak na mapaparami ang kain ko nito.
Tinanggal ko na ang mga natuyong damit sa sampayan, may mga naiwan pa dahil mamasa masa pa yung iba. Late na ang aking meryenda ang tagal maubos nitong biko ako lang kasi ang kumakain sayang naman pag nasira kaya inuunti unti kong kainin para maubos na, ang hilig kasi ni bunso umorder na hindi niya naman kakainin, pag sasabihin ko iyon sa kanya ang isasagot niya “ ang tawag dun mama ay support.” Siguro inaalok siya ng kanyang kaibigan at hindi niya mahindian.
Ang araw na ito ay naging produktibo ang aking buong maghapon, pasasalamat dahil nabigyan ako ng kalakasan na magampanan pa rin ang mga gawain sa bahay. Katatapos lang namin kumain ang aming ulam ay ang tirang ulam ng tanghalian at itong nagyelong pakwan na panghimagas. Sana naging produktibo din po ang inyong maghapon.
Late na po nagising dahil hindi maayos ang aking tulog dahil madaling araw na ako binisita ng antok. Iinom muna si granny Nengste ng mainit na salabat at kakainin ng almusal bago sumabak sa mga gawaing bahay. Magandang umaga!
Isang pack na gulay pang chop seuy, iginisa with chicken liver and oyster sauce, paired with fried tuyong dilis at pusit ito ang ulam naman ni bunso sa tanghalian. Maalinsangan ang klima ng panahon dito sa amin, try ko pa rin magsiyesta baka sakaling makagawa ng idlip. Kumain na po ang hindi pa nakapaglunch.
Ngayon lang ulet nakapagpost dahil may importanteng pinagkaabalahan. Kamusta ang inyong maghapon? Sana nasa mabuting kalagayan po tayong lahat, oras na ng pahinga nang makaipon ng lakas para may sapat na lakas upang magampanan ng maayos ang ating mga gawain bukas kaya ako ay mauna ng matulog sa inyo Ka-ingay. Good night!
Umagang kay ganda! pagkagising ko kanina sumilip agad dito at pumuso, late na bumangon kaya inuna ko munang mag almusal ng tinapay at salabat saka pinaliguan ang aming dalawang lalakeng guard 🐕 Pagkatapos paliguan automatic na nagpalit ako ng bedsheet at pillow case. Salamat dahil nabiyayaan kami ng mauulam ngayong lunch, iinitin ko na lang itong Chicken Cordon Bleu na binigay ng aking pangalawang anak kaya rest mode na muna ako sa oras na ito.
Mainit na hapon sa ating lahat! Tara ng kumain, ito ang Chicken cordon bleu free paulam ng aking pangalawang anak medyo maalat ang white sauce pero ng inulam sa kanin hindi na namin nalasahan ang alat, masarap pero hindi ko type ulamin mas gusto ko siyang papakin lang. Kumain na ang hindi pa nakakain huwag magpalipas ng gutom para hindi po tayo magkaroon ng sakit na ulcer.
Hindi ko namalayan ang oras, alas kwatro pasado na pala dahil nawili na naman ako sa kapapanood ng vlog sa FB sari-saring kwento ng generousity concerning the safety of motorist lalo na sa mga delivery rider sa pagbibigay sa kanila ng helmet, ang sarap panoorin at ang sarap sa pakiramdam na gumawa sila ng kabutihan sa ating kapwa. Make love not hate ika nga. Ikaw kaingay alin pipiliin mo?
Dumating ang aking pangalawang anak na may dalang makakain, timing ang kanyang pagdating kasi hindi pa kami nakapaghapunan, may okasyon doon sa kanyang in laws kaya dinalhan niya kami, ito na ang hapunan namin ni bunso. Ang tirang kanin sa tanghalian na hindi nakain nilagay ko sa fridge para hindi masira. Tara kain po tayo
Hindi ko po namalayan na nakatulugan ko ang aking pinapanood, nagising now at sumilip dito sa noise pumuso bago bumalik ulet sa pagtulog, ang tanong makakatulog agad kaya ako? Sa mga gising pa, magandang gabi sa inyong lahat!
Friday na! Sadyang kay bilis lumipas ng mga araw kailan lang Lunes. Sana ay naging mabuti ang bungad ng ating umaga nawa ay pagpalain pa tayo at ilayo sa anumang sakit at disgrasya. Sa mga hindi pa nakapag almusal, tara samahan niyo ako. Sabi ni bunso gusto niyang ulam pritong talbos ng kamote at tuyo mamayang tanghalian kaya relaxing mode muna ako dahil madali lang naman itong lutuin.
Late na nakapag-almusal kaya late na din nakapaglunch. Ito ang ulam namin ngayong lunch, sa sinundan nitong post nasabi ko doon na gusto ni bunso ng piniritong talbos ng kamote at tuyong pusit, ito na yun at may natirang 2 tuhog na pork barbeque kagabi ininit ko rin pandagdag sa ulam. Ang init pa rin ng panahon, nasasabik na po ako sa pagbagsak ng ulan😅
Kumain na po ba kayo? Heto po nakaluto na ako nirecycle ang konting tirang ginisang ampalaya nilagyan ng itlog at isinama ko rin ang natirang tokwa at baboy at nag prito ng tuyong dilis. Inaantay ko na lang si bunso na lumabas sa kanyang silid dahil namahinga muna nahiga dahil maghapon na nakaupo sa kanyang work from home.
Ang haba ng aking tulog tuloy tuloy nagising na lang ako na maliwanag na ang paligid 6:00 pasado kaya ang gaan ng pakiramdam. Pasalamat tayo at muli tayong nagising at muling nasilayan ang kagandahan ng mga bagay na ginawa ng naglalang sa atin para tayo ay masiyahan, kaya eenjoy natin ang buhay sa tamang paraan. Magandang umaga po!
Andito na naman po si granny Nengste, kamusta? Nakapag-isip na poba kayo ng inyong maihahaing ulam mamayang tanghali-an? Ako po heto masayang inihahanda na ang requested dish ng aking pangalawang anak na sabaw na may gulay na patola, ipost ko po ito mamaya bago maglunch, iwan ko muna kayo BRB!
Lunch time: Ito po luto na ang requested dish ng aking pangalawang anak, Pork bola bola with Sotanghon and Patola. Pagkaluto kanina kaagad ko siyang nichat at pinapunta dito sa bahay para kumuha pagdating niya sa kanilang bahay kumain agad sila ng lunch habang mainit pa ang sabaw, ang sarap lang na nagustuhan talaga nilang mag-asawa ang aking niluto. Kasalukuyang nakahain na ang aming tanghali-an ni bunso, tara sabayan niyo po kami.
Kamusta Ka-ingay? Hindi po ako nakatulog dahil sa sobrang init kahit na naka electric fan pinagpapawisan pa rin ako kaya heto lumabas ng bahay upang magpahangin para naman makapahinga ang electric fan at para na din makatipid sa kunsumo ng kuryente. Ang aking kapitbahay kausap ko kanina ang taas daw ng kanilang meralco bill ngayong buwan. Meryenda time na po!
Hapunan na, isipin na naman kung ano ang mauulam Ka-ingay, tinanong na rin ako ni bunso kung anu ang iluluto ko, sabi ko " may natira pang konting ulam kaninang tanghali-an tapos magpiprito na lang ng ilang pirasong nuggets." Magluto na po tayo!
Oras na para matulog pero bago ako matulog, lagi ko itong ginagawa ang pagpuso muna ng mga post dahil ito ay aking nagawa na, ako ay magpapaalam na sa inyo Ka-ingay bukas na lang ulet. Sana maging maayos ang ating pagtulog.Magandang gabi!
Mapagpalang araw na Linggo sa ating lahat, araw ng pagtitipon ng buong pamilya, sana maging makabuluhan ang araw na ito sa ating lahat. Late na po itong post ko ngayon lang kasi nabigyan ng pagkataon at may pinagkaabalahan importanteng bagay si granny Nengste. Magandang umaga!
Tiyak na abala po kayo sa paghahanda at pagluluto ng maihahaing mga pagkain sa mesa para pagsaluhan ng buong pamilya. At the moment nakarelax mode na si granny Nengste, hindi na problema sa akin kung ano ang aking uulamin, nag-iisa ako ngayon dahil may ka lunch out date si bunso BFF niya since high school, baka magpiprito lang ako ng itlog, tuyo at maglaga ng talbos na kamote. Happy Family day!
Nakaready na ang kawali para magprito ng itlog at tuyo nang narinig kong may nagbukas ng gate naisip ko na dumating na si bunso, pinatay ko muna ang apoy at sinalubong si bunso, tamang tama may uwi siyang pagkain nitake out niya ang hindi nilang naubos o tirang pagkain kaya hindi ko na rin itinuloy ang pagprito ng tuyo, ito na ang lunch ko.
Andito ako ngayon sa labas ng bahay, salamat dahil mahangin ngayon baka uulan mamaya, sana! Madiligan man lang ng tubig ulan ang mga halaman at saka makatulong din sa pagbawas kunsumo ng tubig, ganito din ba ang klima ng panahon diyan sa inyong lugar? Meryenda na po tayo!
Umorder ulit si bunso ng tuyong pusit at dilis at may freebies pang Piyaya or Piaya, ayon sa seller itong mga produkto ay nanggaling pa sa Masbate. Sa aking pagkakaalam ang Piyaya o piaya ay produkto na gawa at mula sa Negros at Iloilo, ang pangunahing sangkap nito ay maskobadong asukal at ang pinakakilalang gawaan ng asukal ay Negros. Ang piyáya (o piaya) ay isang pagkaing Filipino na pinipi, hugis bilog, at gawa sa matigas-tigas na tinapay na pinalamanan ng muskobadong…
Tinanghali po ng gising napasarap ang tulog dahil umulan ng bandang madaling araw. Nasa higaan pa si granny Nengste habang sinusulat ito. Tiyak na nakaalmusal na kayo, naisip ko na malapit na pala ang schedule for my 2nd dose covid vaccine kaya kinokondisyon ko na ang aking katawan na bawal magpuyat may sapat na tulog, try ko rin kumain ng masustansiyang pagkain. Magandang umaga!
Dahil natapos ko na ang pagwalis ng sahig pagpunas at pagtanggal ng alikabok sa mga kasangkapan, heto pa inihahanda ko na ang lulutuin kong putahe for lunch na ang pangunahing sangkap ay patatas at giniling na baka. Nakatutok ako sa electric fan ngayon kasi sobra akong pinagpapawisan dahil sa init ng panahon at paglampaso din ng sahig. Masayang pagluluto, sarapan natin para lalo pa tayong mapamahal sa ating mga anak at asawa kaso wala na akong asawa😂
Ito na po nakahain na sa mesa ang ulam na niluto ko kanina oras na para kumain ng lunch, kakain ulet akong mag-isa dahil nauna ng kumain si bunso sa akin, pagkatapos kong magluto kasi kanina may importante akong pinuntahan. Kararating lang ng bahay kaagad na naghain at ang likot na ng mga alaga ko sa tiyan. Yung mga hindi pa naglunch diyan halina kain tayo.
Dahil late afternoon na ako binisita ng antok hindi ko namalayan na nakatulog ako kahit na ang init ng panahon, heto po kagigising lang. Ito ang Piyaya na pafreebies ng binilhan ni bunso ng tuyong pusit at dilis, nagustuhanni bunso sabi niya parang hopia daw na pinipi lang, konting kain muna nito kasi maghahapunan na rin.
Oras na para matulog, itong aming alagang aso habang nakikita pa nila na ako ay gising pa at may ilaw pa ayaw pa nilang matulog, inaantay nilang patayin ko muna ang ilaw at nakikitang nakahiga na ako bago din sila matulog kaya kailangan ko ng matulog para makapahinga na itong aking 2 bantay. Good night na sa lahat! Bukas ulit😊
Umagang kay ganda! Maagang nagising at maaga din bumangon dahil maglalaba ngayong umaga si granny Nengste kaya bago ko ito umpisahang gawin heto uminom muna ng gatas at tinapay para magkalaman at mainitan ang tiyan. Maiwan ko muna kayo!
Habang inaantay ko ang paghinto ng pag-ikot ng washing machine napasilip po ako sa coins.ph at nanlaki ang aking mata kasi nasa 33k+ na si Bitcoin.cash, umpisa na ba ang bull run ng mga crypto?
Tapos na ako sa paglalaba at nasampay na rin lahat, nakaligo na rin at ito po inihahanda ko na ang mga sangkap sa pagluluto ng ulam, madali lang ito lutuin dahil napalambot ko na ang pork chop sa toyo na nakasalang sa mahinang apoy habang nakasalang din ang aking mga labahin sa washing machine.
Kakain na si granny Nengste, ito ang aking nilutong ulam pork chop steak same as usual double time si bunso sa kanyang work kaya heto wala akong kasabay kumain mamaya raw siya kakain hindi pa naman daw siya gutom kasi nag almusal siya ng kanin. Itong ulam ko mas lalong masarap ito kainin pag may saging, agree ba kayo? Tara na kain na tayo!
Bitcoin, Ethereum is pumping daw sabi sa notification from Bitcoin.com wallet. Congratulations sa mga Btc at Eth holder! Sana tuloy tuloy ang pumping kaso bakit ang mga hawak kong altcoin hindi pa gumagalaw ang value pataas?
Lumabas si bunso sa kanyang opis bedroom at pinakiusapan ako na kunin ang kaniyang dumating na order tapos bayaran ko daw muna, akala ko Shopee o Lazada paglabas ko nag-aantay ang delivery rider bitbit itong 2 milk tea, sakto, ang init ng panahon ngayon pansamantalang makatulong ito pang refresh.
Dumaan ang aking pangalawang anak na may dalang nakasupot hindi ko pinansin dahil nakatutok ako sa pinapanood kong vlog na nakaearphone tapos nadaanan niya ako at nagpaalam bago umuwi, maya maya narinig ko na tinatawag ako ni bunso at sinabi na “mama lalamig itong tsaa” kakanin pala yung dalang nakasupot. Ito na ang aming hapunan ni bunso, sa kanya ang puto bongbong at sa akin naman itong bibingka at tsaa, ang tsaa yata ay gawa sa pinakuluang dahon ng avocado.
Ang saya ng ating umaga lalo na ang bungad ng umaga ay maberde, nag take off na si Bitcoin Cash going to mark another ATH sana ito na ang inaantay nating lahat hodl or take profit? Nasilip ko ang value kanina sa coins.ph nasa 36k+ congrats! Good morning!
Malapit na ang oras ng tanghalian kung kaya ay pagkatapos gumawa ng paglilinis ng bahay at kapaligiran heto inihahanda ko na naman po ang aking lulutuin na may sangkap na mga ganito, alam niyo na ba kung anung putahe ito? It will be posted later. Ang likot ng movement ni Bitcoin cash bakas pa zig zag
Oras na para maglunch, tama po ang inyong hula tungkol sa ulam na aking niluto, ito ay Spicy Chicken fried adobo ganito ako magluto ng adobo kasi ayaw namin na mayroong sauce. Lalong nakakabusog pagkatapos kumain pag may panghimagas na saging kaso wala kaming panghimagas😀Taralet’s kainan na!
Walang mameryenda dito sa bahay naghanap akong saging na saba sa pinuntahan kong mga tindahan kaso wala na silang tindang saba naubos na, napadaan ako sa may tindahan ng prutas at heto nakabili ng ilang piraso, pinalamig ko muna bago kainin. Nakatanggap ako kanina ng text mula sa staff ng munisipyo tungkol sa aking second dose vaccine bukas po ang schedule alas 3 ng hapon sa SM mall ng bayan namin.
Kumain na hindi pa nakakain, dahil kasya pa sa amin ni bunso ang natirang ulam na adobo ng tanghalian kaya hindi na po ako nagluto, katatapos lang kumain heto naglalakad lakad parito at paroon napansin ni bunso ang aking tiyan para daw akong 4 na buwang buntis, ewan ko ba dito konti nga lang akong kumain pero tumataba pa rin ako😀
Umagang kay ganda na puno ng pag-asa sa ating lahat. Inilabas ko sa fridge ang bikong nanigas na at inisteam para lumambot at ito ngayon ang aking almusal na ipinares sa kape. Di muna ako ngayon gumawa ng ikakapagod, ito ay isang paraan ng paghahanda ko sa pagpapaturok ng pangalawang dose ng covid vaccine mamayang hapon #moderna
Papalamig muna si granny Nengste, iwanan ko muna kayo, tamang tama sa SM ang venue ng second dose vaccine. Habang inaantay si bunso selfie muna si granny.
Mga 7:30 pm na si granny nakauwi, pagdating ng bahay nagdinner kaagad sabay take ng paracetamol at namahinga. Pagdating namin ni bunso sa SM kanina wala pang pila para sa second dose kasi ang aga namin dumating sa takdang oras kaya pumunta kami sa kuhanan ng philsys id ang pakay namin ay kumuha ng Landbank ATM cash card yun nga po pumila kami ni bunso, pinakita lang namin ang Philid qr code at isang government ID, kinunan ako ng picture at tinanong ako kung ano ang ilalagay…
Kasalukuyang pumupuso pambawi sa ilang oras na pagkawala ko dito ngayong araw para naman makapag-ambag ako ng konting biyaya sa paraan ng pagpuso, bago matulog share ko lang po itong nakuhanan ko kanina sa mall. Good night! Bukas ulit..
Umagang kay ganda! Salamat dahil nakatulog ng maayos at nagising na wala pa akong naramdamang side effects sa 2nd dose of covid vaccine na isinagawa kahapon maliban sa slight pain at bigat ng brasong tinurukan sa tuwing paggalaw. Nasa higaan pa si granny Nengste habang sinusulat ko ito, pero pabangon na rin. Pagpalain po tayo sa araw na ito😊
Kasabay ko rin kahapon si bunso sa pagpabakuna ng 2nd dose covid vaccine #moderna, pagkagising niya kanina naglambing na ibili ko raw siya ng lugaw dahil iinom siya ng paracetamol tapos idinikit niya ang kanyang katawan sa paraan ng pagyakap sa akin at sabay sabing alagaan ko daw siya dahil nilalagnat nga siya kaya dali dali naman akong lumabas para bumili ng lugaw ng makainon na kaagad siya ng paracetamol sa ngayon lumiban muna siya sa kanyang work para makapahinga ng…
Nagluluto na si granny Nengste at ito ang mga sangkap para mabuo ang putaheng aking lulutuin, tiyak na alam niyo na ang dish na ito. Ito ay karaniwang ulam na may sabaw, gulay at meat ng baboy o baka, gagawin ko sana itong stir fried vegies with meat kaso sabi ni bunso gusto niya ng may sabaw na ulam pinagbigyan ko po naman dahil nilalagnat po siya.
Nakaramdam ako ng antok pagkatapos maglunch, nakatulog at kagigising lang ngayon ayos itong side effects ng vaccine sa akin, si bunso nilalagnat pa rin at naduduwal yan ang side effect ng vaccine sa kanya. Ito nga pala ang niluto kong ulam na may sabaw nilagang laman ng baka, gusto ni bunso ito pero kokonti lang ang kinain at hindi talaga ayos ang kanyang pakiramdam.
Pagkatapos kong maligo parang nagkasinat po ako kaya ng kumain po ako ng hapunan sinabay ko na ang pag take ng paracetamol, ngayon pinagpawisan na ako. Nauna akong kumain kay bunso tulog pa kasi siya hanggang ngayon inaantay ko ang kanyang paggising para kumain nang mailigpit ko na ang mga bagay na dapat iligpit sa kusina bago matulog.
At last nagising na rin si bunso, sinalat ko ang kanyang leeg at noo ang init pa rin, ayaw niyang kumain ng kanin, sabi ko sa kanya iinit ko ang natirang ulam na linagang baka yun na lang ang kainin niya at pumayag naman siya. Nakapagligpit na rin sa kusina, pwede ng matulog si granny Nengste bukas ulit, magandang gabi.
Covid vaccine side effect was over, no more na balik trabaho na si bunso, 10 pirasong tableta din na biogesic ang naubos. Kamusta ang inyong umaga Ka-ingay? Ako heto ayos naman, nakapag almusal na rin tinapay, gatas at peras. Hindi po ako magluluto ngayon, bibili lang ako ng lutong ulam na gulay kaya more time si granny Nengste sa kanyang online activity ngayon.
Ang nabili kong lutong ulam ay adobong sitaw parang masarap ipares ito sa piniritong tinapang isda o tuyo, makapagprito nga mamaya ng tuyong pusit o dilis bago maglunch. Nakabili din ako ng pangmeryenda ito ay turon na saging ang paboritong snacks ng mga Pinoy, ang sarap po dahil kaluluto lang.
Ito ang aking inulam kinanang lunch, mga ilang minuto pagkatapos kumain inantok na po ako try ko pong itulog ito baka sakaling maging successful kahit na mainit ang panahon at lalong uminit sa pagbagsak ng ulan na hindi naman nagtagal.
Kamusta? Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na sumilip dito may pinagkaabalahan kasi ako at late na rin nag dinner, nagluto lang ng scrambled eggs with onion at chicken nuggets para madaling lutuin. Heto nagpapababa muna ng kinain bago matulog. Magandang gabi sa lahat!
Mapagpalang araw na Linggo sa ating lahat! Maaga akong nagising ngunit nawili o nausi ako sa napapanood kong kaganapan kahapon tungkol sa withdrawal at pag file ng Kandidatura. May idea po ba kayo tungkol dito? Naging mapagmasid ako ngayon tungkol sa paparating na halalan 2022
Ang init! Pero kahit anong init ng panahon hindi umobra para pigilan ang kagustuhan ng aking pagkaantok, nakatulog pa rin ako at ngayon lang nagising. Meryenda na po tayo! Tinikman ko itong binili ni bunso na ready made Ceasar’s salad + bread pan + water =busolved na
Maalinsangan na gabi!Sana umulan ng maginhawaan ang pakiramdam. Hindi nga pala ako nagluto ng ulam, umorder langsi bunso sa kakilala niya ng ulam namin, ito ay sisig pagkain na nagmula sa Pampanga, pwedeng pampulutan o ulamin ang pinakanagustuhan ko sa sisig ay ang pagkacrispy ng pagkaluto ng pork. Alas 10 na pero gising pa rin ako kasi nakatulog po ako ng hapon kaya late na rin nito makatulog. Magandang gabii!
What’s good in the morning? Siyempre ang magising muli nasa mabuting kaisipan at kalusugan, makasama muli ang ating mga mahal sa buhay, makita ang mga magagandang tanawain, may mga taong handang tumulong o sumuporta laban sa mga hamon sa buhay. Ikaw Ka-ingay what’s good in your morning?
Sabi ni bunso magluto daw akong ulam ngayon 😊 kaya heto inihanda ko na ang kailangang mga sangkap sa pagluluto at ito ang mga yon, tiyak na alam niyo na ang pangalan ng dish na may sabaw dahil sa pinakita kong mga sangkap. Happy cooking mga momsie!
Halina na kayo lunch time na, ito po nakahain na ang niluto kong ulam, kaya ito ang niluto ko kasi gusto ni bunso ng sabaw na maasim at saka gusto ko rin kasi ng gulay hindi ako mahilig masyado kumain ng meat, kakain man ako pero tikim lang ng konti, good na po ako sa sabaw + gulay lang kaya minsan pag hindi naubos ni bunso ang sahog na karne swerte nina Grey at Zorro. Tara kumain na po tayo!
Habang may ka zoom meeting po ako si bunso ay naghahanda naman ng hapunan, ininit niya ang sinigang na tira ng tanghalian at dinagdagan niya ito ng napa cabbage kaya ang ulam namin ay naging sinilaga. Katatapos lang kumain naubos namin kainin ang gulay at heto may tira pang karne hindi na nakayang ubusin ni bunso, itatabi ko po ito para pandagdag ulam bukas ng aming dalawang alagang aso.
Umagang kay ganda! Maaga po akong nagising ang una kong naisip ay anong araw ngayon at ano ang gagawin ko? Martes na pala ngayon at sa araw na ito ako ay maglalaba. Mukhang masaya ngayon ang mga nakatanggap ng 13th month pay, pang shopping ba, savings o invest? Mapagpalang araw sa ating lahat!
Salamat nakapahinga na din si granny Nengste washing and hanging the laundry ☑️ Cooking ☑️Rest muna ako habang nag-iingay dito bago magwalis at magpunas ng mga alikabok ang mahalaga nakaluto na kung sakaling gusto na ni bunso maglunch may maulam na siya. Ang aso namin pinaghanda ko rin ng ulam ang natirang karne sa ulam kahapon hinimay ko at sinahog sa pinakuluang sayote para dumami, pinakain ko na rin sila at nagustuhan naman.
Nakatulog po ako kahit mainit ang panahon siguro dahil napagod sa ginawa ko kaninang umaga. Ginising ako ng pagtunog ng selpon tawag mula kay shopee delivery rider, ito po yung ni shopped ko noong 11-11 dalawang parcel po ang aking inaantay pero ito pa lamang ang dumating pang gift ko sa aking 10 year old na apo isang computer chair, sana magustuhan niya🙏Meryenda time na!
We have a left over fried chicken from lunch for dinner but then my youngest wanted me to cook a fry dried pusit and fry talbos ng kamote. We done eating, used dishes were cleaned already just waiting for some time to lay down and rest. Let just hope that we are good and safe before going to sleep. Good night!
Nakasilip din po kay noise, nagkaroon lang ng konting aberya gawa ng Internet provider. Kaalmusal lang may gumawi dito sa amin na naglalako ng pang-almusal na kakanin, bumili ako ng pansit+ ginger tea ang aking inalmusal. Sa ngayon hindi ko problema kung anu ang lulutuin nag-iisa ako ngayon sa bahay dahil si bunso ay nag day off pupunta sa School para kunin ang kanyang diploma at TOR at tiyak na gagala pa po iyon. Magandang umaga po sa lahat!
Dahil nag-iisa nagluto lang akong itlog at dried pusit for my lunch ayos na ako dito at nakatipid pa. Hahayaan ko ng gumala si bunso para maenjoy niya ang kanyang day off kilala ko naman po ang kanyang kasama ngayong araw. Nakakalunggkot dahil ang pula ng merkado, sa mga may pambili chance to buy more.
Meryenda time na! Nakauwi na si bunso may dalang nakapaper bag, tinanong ko siya kung anu yung dala niya sabi niya sitsirya lang daw, mga ilang minuto ang nagdaan tinawag niya ako iinom daw kami asked ko siya anu iinomin natin wala ka naman uwi ang sabi niya ay nasa fridge daw, tiningnan ko ito pala ang iinomin namin palagay ko sitsirya ang pulutan namin nito.
Gumising na masigla upang buong maghapon ay kaayaya ng mapalapit sa biyaya. Lagi nating ipagpasalamat araw araw ang mga biyayang hindi nakikita at nakikita, being grateful ay isang sekreto bilang isang masayahing tao at iwasan ang maging magalitin dahil ito ay isang lason na unti unting kikitil sa ating buhay, panatiliing laging positibo sa buhay at laging masaya, ang buhay ay weather weather lamang, maging matatag sa pagtawid gaano man kalaking alon ang ating masusumpungan.…
At last dumating din ang aking iniintay, ito ang pangalawang parcel from shopee 11-11 shopping. Papalitan ko ng ganito ang lumang plastic na patuluan ng mga plato, kasi ang hirap linisin, itong ganito parang madali lang linisin. Hindi pa rin kami naglalunch ni bunso sa oras na ito bumili lang akong lutong ulam tinolang manok. Iwan ko muna kayo iinstall ko po muna ito.
We ate dinner, washed the dishes and cleaned the mess in the kitchen. This is what I assembled earlier a stainless dish dryer, it looks like sturdy and easier to clean than the plastic dish dryer that I used before. How was your day? I hope you all doing fine 🙏
Friday na ulet, sobrang bilis na talaga ang pag-ikot ng orasan at panahon. Andito pa po ako sa higaan, nakakatamad pang bumangon kahit na inaanyayahan na akong bumangon ni haring araw, ang bati ko sa inyo bago bumangon ay Magandang araw na puno ng pag-asa😊
Madugo ang merkado si BTC -6.1% and BCH -6.2% malay natin pagkatapos nito mag bull run na heheh manalig lang. Nga pala ang aga kong nakaluto, ito ay fried chicken na walang coating para maiba naman. Ito ang aking ginawang pamamaraan, pinakuluan ko ang manok sa asin, bawang, pamintang buo at tanglad hanggang sa ito ay lumambot at saka pinirito yun lang po kadaling gawin.
Hindi po ako nakaidlip ngayong hapon, hindi nakaya ng aking antok ang init ng panahon. Timing ang dating ng aming bisita may dalang pangmeryenda, balak ko pa sanang lumabas para maghanap ng mameryenda. Habang sinusundan ko ang mga nangyayari tungkol sa Philippines politics hindi ko maiwasang makaramdam ng ibat ibang emotions minsan sinasabi ng isip ko na tigilan ang pagsusubaybay ngunit hindi ko magawa.
Muntik ko ng makatulugan ang pagsara ng pintuan sa kusina at pagligpit sa mga hinugasang pinatulong plato at gamit sa kusina pabalik sa lagayan, nagawa ko na kaya pwede na akong matulog, mauna na po ako sa inyo bukas ulet, turning off the light. Good night!
Madaling araw na ako nakatulog dahil insomia strikes again kagabi, gusto ko pa sanang dagdagan ang oras ng tulog ko kaso hindi na makabalik gising na talaga ang diwa. Time na naman sa paggawa ng ating daily routine, good luck and have a nice and blessed day ahead to all of us.
Ito ang oras para mag-isip ng mailuluto, dahil walang stock sa freezer ng meat bukas pa raw si bunso mamili sabi niya sa akin sa wet market daw siya mamimili bukas para makapamili siya ng isda kaya kaninang umaga lumabas ako at pumunta sa tindahan na malapit sa amin nagbakasakaling may mabili at heto nga nakabili at nakabuo ng sangkap at inihahanda na para lutuin.
Ready na maglunch dahil luto na ang dish, wait kong mag-aya si bunso. Nga pala may nakahula sa pangalan ng dish na aking niluto ayon sa pinakita kong mga sangkap nito kanina, tama po si @patola Chicken Afritada, ang tagal ko na pong nakapagluto nito palagay ko ay na miss ito ni bunso. Enjoy your lunch!
Salamat nakatulog po ako ngayong hapon nakarecover sa kakulangan ng tulog kagabi, Ang gloomy ng paligid baka sakaling uulan. Ang sarap kainin nitong meryenda dahil treat ni bunso kasi nakasahod na😅meryenda tayo!
Salamat dahil napabilang ulet akong mag-ingay dito kay noise sa pagpapakita ng aking presence ngayon araw ng Linggo. Nawa ay lalo pa tayong pagpapalain, ilayo sa masama at anumang sakuna, maiingat po tayong lahat! wala na akong maisip ang hina mag-isip ni granny Nengste “loading.” 😅Good morning!
Kasalukuyang naglalampaso ng sahig gamit ang basahan paroon at parito habang inaantay ang pagdating ni bunso namalengke po kasi siya kaya hindi ko pa alam kung ano ang lulutuin kong ulam. May dumaang naglalako ng Taho nakabili po ako ito ang aking almusal, Taho ang paborito ng mga Pinoy bata man o matanda.
Pagkatapos kong kamadahin ang mga pinamili ni bunso, inihanda ko na rin ang aking lulutuin ito ay tinolang Tahong. Late na nakapagluto dahil tumagal si bunso sa palengke. Iwan ko muna ulet kayo magluluto na si granny Nengste.
Ngayon lang po ako nagising nasa isang oras mahigit din ang tulog ko, tiyak na madaling araw na naman ako nito makatulog mamayang gabi. Nagmeryenda na ba lahat? Ako ngayon pa lang bread pan at gatas. Ilang araw na lang Disyembre na, kumukutitap na ang pailaw sa aming mga kapitbahay.
Magdinner na po tayo, ang nabiling isang kilong tahong si bunso kanina, ang kakahating kilo ginawang tinolang tahong na inulam namin ng lunch at ang natirang kalahating kilo naman ay ginawang baked tahong ngayon, malaki nga po ang tahong kaso hindi mataba. Halina kumain na tayo.
Ang aking anak na pangalawa pumuntang Baquio City kasama ang mga Co Teacher bale isang gabi lang sila doon at nakauwi na ngayong gabi, nichat ko at tinanong kung ano ang pasalubong at ni send niya ang photo na ito ang pasalubong, tinanong ko siya kung may walis tambo, sabi niya meron pagpasensiyahan ko na daw itong walis tambo kasi masyadong mahal daw ang malaki😂
Nagising ako sa pagtatahol ni Zorro kanina dahil may narinig siyang ingay ng gate, maya maya ay may tumatawag na “mama” kaya nagmamadali akong bumangon, ang pangalawa kong anak nakauniform na papasok sa eskwelahan pinagtuturuan niya bago pumasok dinaan niya muna ang kanyang pasalubong sa amin. Magandang umaga sa lahat!
Time na to cook, I am now preparing to cook this talbos ng sayote na nanggaling sa Baguio. Do you know that talbos ng sayote are also edible and can be prepared and served as salad but today I will cook this as sauted vegetables with ground pork and oyster sauce.
Are you done eating? The cooked sauted talbos of sayote with ground pork and oyster sauce is already served on the table and we are about to start eating, I fried some dried pusit to paired with. Come let’s eat!
Panay hikab na po ako, pero bago ako matulog, sumilip muna ako dito at namuso para mayroon naman po akong silbi sa noise community. Sana lahat ay naging kapakipakinabang ang buong maghapon, ligtas sa anumang masama, tayo ng mamahinga para makapag-ipon ng sapat na lakas para sa mga gawain bukas. Good night sa inyong lahat!
Kamusta Ka-ingay naging maayos po ba ang tulog natin kagabi? Palagay niyo ba nakaipon tayo ng sapat na lakas sa mga gawain natin ngayong araw? Ang sagot ko ay maayos naman ang aking tulog kagabi kaya tiwala akong magampanan ko ng mabuti ang aking mga gawain ngayong araw lalo na sa paglalaba pero bago mag-umpisa mag-almusal muna tayo.
Natapos na ako sa paglalaba at naisampay na din lahat, dahil biscuit at gatas lang ang kinain ko kanina, kaya kakain ulet si granny Nengste, pagkatapos nito uumpisahan ko na ang pagprito ng isdang galunggong at gagawa ng sawsawan na ginisang mustasa na may itlog. Tara meryenda po tayo.
Napakainit na hapon sa lahat, tara ng mananghalian pritong isdang galunggong at ginisang mustasa na may itlog masarap kumain na nakakamay pag ganito ang ulam talagang maparami ang kain lalo na sa kanin pero kailangan kong limitahan ang dami ng kanin dahil ang laki na ng bilbil ko😂
Maagang nakatanggap ng pamasko ang mga teachers dito sa Bulacan mula sa butihing Gobernador Daniel Fernando at isa sa mga nakatanggap ang aking pangalawang anak at kaagad na dinala sa akin ng aking anak ang mga ito na may kasamang kalendaryong 2022. Nasa bear market ngayon ang hodl kong crypto heheh walang profit sana mag bull pagpasok ng Disyembre. Magandang gabi sa lahat!
Magandang umaga ang aking bati sa inyo, late na po ako nasilip dito dahil inuna ko muna ang mga gawaing bahay, saka balak ng 2 apo ko sa panganay na pumunta dito bukas at nangako akong magswimming sila dito kaya inihahanda ko na ang inflatable pool. Nga pala maaga din akong nakapagluto request ni bunso gulay daw muna gusto niyang ulamin kaya ito naisip ko na meron ako sa kusina, nilagyan ko ng sotanghon experiment lang naging chop seuy with sotanghon.
Hindi ko po talagang napigilan ang magkomento sa isang post sa facebook tungkol sa bagong pakulo ng isang Presidential aspirant at pacute heheh OA na masyado siya kaya hindi sumagi sa isip ko na magugustuhan ko siyang iboto para mamuno sa ating bansang Pilipinas. Hindi po kasi ako nakatulog dahil sa sobrang init at saka hindi rin inantok kaya nagbasa na lang ako ng mga post tungkol sa mga tumatakbong kandidato para kilalanin sila.
Nang pumunta ako kanina sa tindahan para bumili ng saging may nakita akong tindang Lumpiang wrapper at naisip kaagad ang natirang 1/4 kilong giniling na baboy na nasa freezer kaya binili ko ang Lumpia wrapper para makagawa ng Lumpiang Shanghai at ito nga po nailuto ko na at ulam namin ngayong hapunan. Halina kumain na tayo!
Umagang kay ganda! Ang agang gumising ni granny Nengste dahil ang agang dumating ng aking 2 bisita ang aking dalawang apo nilagak ng mga magulang muna sa akin dahil may importanteng lakad sila ngayong araw. Gusto na daw nilang magswimming, sabi ko maya na dahil ang lamig pa😂
Heto po nag-eenjoy na ang magkapatid, kapagod maglagay ng tubig sa pool igib talaga kasi walang hose heheh oorder na lang ng pagkain for lunch dahil sa pagod ayaw ko ng magluto, pahinga muna si granny Nengste. Minsan lang ito mangyaring andito ang aking dalawang apo sa panganay kong anak, kulang ng isa kasi nilagnat ang apo ko sa aking pangalawang anak.
Nadelivered na ang requested foods ng dalawa kong apo, ito ay spicy Chicken ni jollibee, sundae at french fries at spaghetti pang meryenda at syempre umorder din ako para sa akin ang fave kong cheesey de luxe burger na merong sesame seeds ang buns, parang nag outing na rin heheh. Nang nakita nilang dalawa na may bitbit akong foods gusto na umahon para kumain mga gutom na yata😂
Hindi po ako nakatulog dahil occupied ng aking dalawang alaga ang higaan, sinubukan kong tabihan silang matulog ngunit ang likot matulog hahah kaya heto ako nakabantay sa kanila habang sila ay natutulog. Kinontrata na nila ako na paggising daw nila swimming ulet sila, almost 2 years na rin kasi silang napunta ulet dito dahil sa pandemya.
Nang sinundo kanina ng aking anak ang 2 kong apo may saging lakatan siyang binigay, alam niya kasing may lahi akong unggoy 😅pakunsuelo yata sakaling nastressed ako sa dalawang bata pero ang bait ng magkapatid, hindi sila nag-away. Nang hinainan ko sila ng lunch kanina, nakita ng bunso na sumubo na ang panganay sabi ng bunso “ bakit kumain na hindi pa tayo pray” sagot ng panganay “tinikman ko lang.” napangiti ako sa kanila😊
Ang lamig pa rin po ng umaga kahit mag aalas nuebe na ng umaga, umambon din kanina saglit lang kaya nakadagdag din ng paglamig ng panahon. Ilang araw na lang Disyembre na pero mas excited ako sa darating na halalan ngayon pa lang siguro ako bubuto na mas lamang ang kagustuhan kong magiging Pangulo ng bansang Pilipinas ang napili kong ibobotong kandidato. Nawa ay marami pa tayong pagpapalang matatanggap sa araw na ito Magandang umaga!
Ngayon ko lang po nabisita ang aking Trust wallet account ganito na pala ang value ng token na nakuha ko ng free sa pag tipping sa mga post sa Publish.0x noon, pero hindi ko pa alam kong paano ko ito mawithdraw at kung anong paraan para gawin yun heheh hahayaan ko muna dito sa wallet baka sakaling tumaas pa ang value.
Tiyak na kumain na kayo ng inyong tanghalian, kami ni bunso ngayon pa lamang late na po kasi busy siya at ako naman ay nakatulog. Nagprito lamang ako ng Lumpiang Shanghai at nagluto ng spicy beef noodles para may sabaw, palagay ko nagmemeryenda na ang iba sa oras na ito. Panatiliing nakangiti para ang buhay ay maging kaayaaya at ligtas sa lahat na pagkakataon.
Inaantay ko mag 1 am para mapanood ang live streaming ng Abra money talks may pa airdrop na token sana kaso hindi na aabot itong battery ng cp, kailangan ko munang ioff at icharge ito at matulog muna sana magising ako bago mag ala una, sayang din yung token. Iwan ko na po kayo, magandang gabi sa lahat.
Kanina pa po ako gising ngunit ngayon lang nakapagtype ng ipopost dahil inuna ko ang mga gawain, sa ngayon naihanda ko na ang aking lulutuin pangtanghalian at ito ang mga sangkap, sinadya kong hindi pinakita ang lahat na sangkap dahil ipapahula ko po sa inyo heheh. Magandang umaga!
Kakain na si granny Nengste mag-isa dahil ayaw pa ni bunso maglunch break. Ang aking nilutong ulam ay Pocherong baboy, palagay ko ay magaling magluto ang mga nakahula ng aking lulutuin batay sa mga sangkap na aking pinakita sa sinundan nitong post. Kain na po tayo😊
Nagsawa na sa sardinas ang aming dalawang alagang aso, gusto nilang kumain kaso pag naamoy na nila ang sardinas sa kanilang kainan tinatalikuran nila, inobserbahan ko ng ilang oras ayaw talagang kainin kaya napilitan akong lutuin ang atay ng manok na panahog ko sana sa gulay nang naluto na ang atay hinalo ko sa pagkain nilang hindi kinain na may sardinas at heto kinain na.
Dinner na po tayo! Kasya pa itong natirang ulam sa amin ni bunso, kumain na rin po kayo ang hindi pa nakakain diyan, huwag magpalipas ng gutom baka magkasakit kayo ng ulcer. Nga pala ako lang ba ang hindi makagamit ng wallet pag nag tip? QR lang po ang gumagana pagnagtitip po ako.
Yes exciting na ito back to normal na po ang tipping, kaya pala nagtaka ako sa nangyari kanina sa aking wallet, may pagbabago pala.
It is Sunday morning once again, a beautiful day to everyone! Let us be thankful for this day in giving another chance in spending quality time with family, I hope and thought you would surely spent it well. A blessed Sunday to all " Happy family day!"
Bumili ng lugaw si bunso pang almusal niya dahil marami ang isang serving at hindi niya kayang ubusin heto po hinatian niya po ako, unang subo nalasahan ko agad ang anghang, sarap ng timpla at sobrang lambot ng kanin kaya ang swabeng lunukin, hindi po ako mahilig kumain ng lugaw pero nagustuhan ko ito. Kain po tayo😊
Kasalukuyang umuulan, timing itong niluto kong sabaw na ginisang patola na may sotanghon at konting giniling na baboy, hindi ko na ginawang bola bola ang giniling kasi konti lang tapos sinahog ko na rin ang natirang siomai wrapper. Wait ko na lang si bunso na mag-ayang kumain, pakiramdam ko ay busog pa ako dahil sa kinaing lugaw kanina.
Nag-eenjoy po ba lahat sa bagong tipping? Bago po ito sa mga newbie pero ito ay ang kaunaunahang ginagamit noon sa pagbibigay ng tip since I started noising almost 11 months ago. Tara ng kumain, late lunch ito kasi ngayon lang nag-ayang kumain si bunso at ako naman ay nawili sa aking ginagawa.
Kagigising lang po sa pagkaidlip, nakaidlip dahil gloomy ang panahon dito sa amin, pagkagising ko may naamoy ako sa kusina, nagluluto pala si bunso ng meryenda nagpiprito siya ng siomai wrapper para gawing Chips. Ito tinikman ko na po ang ginawa niyang meryendang Tacos.
Malamig pa rin hangang ngayon ang klima ng panahon kung kaya ay hindi ako nagbukas ng electric fan, nakatulong ito upang makapagsave ng konsumo sa kuryente lalo pa ang taas ngayon ang singil sa paggamit ng kuryente. Sana kahit papano nakakain tayo ng tatlong beses o mahigit pa sa araw na ito at nasolusyunan ang anumang problema nang makatulog tayo ng may peace of mind. Magandang gabi sa ating lahat!
Kamusta po ang tulog natin magdamag? Kung ako ang tatanungin, naging maayos naman, nakatulog ng mahimbing kahit hindi ako kumain ng kanin sa hapunan kagabi, I just ate some sliced of bread and drank a glass of milk. Well in fact at the moment I am still in bed, feeling lazy to get up😄 Have a nice and blessed day to everyone. Good morning!
Chill mode na si granny Nengste while sounds tripping old songs playing “just once “ at the moment, hindi kasi ako magluluto ngayon kasi nakalimutan kong ilabas sa freezer for thawing ang lulutuin ko sana kaya bumili na lang ng lutong ulam, inihaw na baboy at ginisang gulay.
Dahil hindi ako naghapunan ng kanin kagabi kaya nauna na akong kumain ng lunch kay bunso, “gutom na gid ako iya.” Itong ulam ko ay nabili lang sa tindahan ng lutong ulam malapit sa amin, ang daming pagpilian doon kaso ito ang nagustuhan kong ulamin. Halina kumain na po tayo😊
Biglang nalungkot po ang kalangitan nagbabadyang umulan, sana hindi malakas kasi ang bilis tumaas ng tubig sa aming labasan tapos ang basura sa daan natatangay papunta sa amin, nakatayo kasi sa mababang lupa ang tinitirhan namin pababa mula sa highway.
Dahil may ka Zoom meeting ako ng 6 pm, kumain na ako ng hapunan baka kasi hindi ko maiintindihan ang topic, mawala ako sa focus kasi nanggugulo na ang aking mga alaga sa tiyan😅ang ulam ko ay sisig nagpabili ako sa aking pangalawang anak sa suki nilang sizzling house, ang sarap dahil crispy ang pagkaprito ng meat.
Sumapit na ang oras para lumiban ang aking presensia dito kay noise dahil nakaramdam na ako ng antok panay na ang aking paghikab, mauna na akong matulog sa inyo bukas ulet. Magandang gabi sa ating lahat!
Ang buhay ay hindi isang problema na dapat lutasin, ngunit isang katotohanan na dapat maranasan. Sa huli, hindi ang mga taon sa iyong buhay ang binibilang, kundi ang iyong buhay sa loob ng mga taon. Kaya mahalaga ang paggawa natin ng kabutihan, may magandang idudulot kapakipakinabang sa pamilya, kaibigan at sa sangkatauhan. Magandang umaga!
Napunta akong tindahan kanina dahil naghahanap akong maalmusal, may biscuit naman dito sa bahay ngunit ang tatamis katulad ng Hansel straw,Rebisco choco,Choco mucho na choco sandwiches hindi po kasi ako ang namili, at itong tinatawag na Tamales ang aking nabili na usi kasi ako dahil naabutan ko sa tindahan ang isang mamimili na maraming biniling Tamales, sa totoo lang hindi pa ako nakatikim nito at walang idea kung ano ang lasa nito kaya bumili ako ng isa para tikman, Medyo…
Ready na akong makipagbuno sa aking mga labahin pero bago ko umpisahan inihanda ko na ang aking lulutuin kanina ko pa ito minarinate tapos isinalang ko na ngayon sa mahinang apoy, multi tasking cooking while washing the laundry.
Ang tagal kong nayari ang mga labahin kasi may dumating na bisita tapos nakipagchikahan pa, pagkaalis niya minadali kong tapusin nang may masampay na habang tirik pa ang araw kaya late na akong kumain, dahil pagod much si granny Nengste, napadami tuloy ng kanin.
Hindi po ako nakatulog dahil sa sobrang init sarap pumunta sa ilalim ng puno at mahiga sa papag kaso walang puno dito puro kabahayan, pag ganito, agad na naalaala ang buhay sa probinsiya. May pameryenda ulit si bunso, nagustuhan niya ang lasa ng Takoyaki kaya pag gusto niya kumain sinasama na ako sa order niya😀syempre masaya si granny Nengste dahil sagot niya ang bayad, ang sarap kayang kumain lalo na pag libre.
Nakaluto na ba lahat ng maihahain sa hapunan? Ako po hindi na magluluto dahil kasya pa itong natirang ulam kaninang lunch at heto na nga ready na to eat, inagahan kumain at ang mata ko ay gusto ng pumikit, maaga po kasi akong nagising kaninang umaga 4 am tapos hindi din nakatulog ngayong hapon. Mauna na po akong kakain sa inyo ng makapagligpit na rin ng maaga. Let’s eat!
Nakapagnoise tuloy ako ng hating gabi, madaling araw na pala ng December 1, nagising ako sa kaguluhan ng aming kapitbahay hay naku anong oras kaya ako nito makabalik ng tulog, gising na ang diwa ko.