Tinanggal ko na ang mga natuyong damit sa sampayan, may mga naiwan pa dahil mamasa masa pa yung iba. Late na ang aking meryenda ang tagal maubos nitong biko ako lang kasi ang kumakain sayang naman pag nasira kaya inuunti unti kong kainin para maubos na, ang hilig kasi ni bunso umorder na hindi niya naman kakainin, pag sasabihin ko iyon sa kanya ang isasagot niya “ ang tawag dun mama ay support.” Siguro inaalok siya ng kanyang kaibigan at hindi niya mahindian.
No comments yet